Wataro
“Ready ka na?” tanong ni Kaito sa kanya. Wataro just smiled at him. Pilit na tinatago ang kabang kanina niya pa nararamdaman. He can’t fail today. Kaito and him can’t fail today.
Sa araw na ito ang title defense nila para sa project na ginagawa nila. They’ll be explaining its concept and principles. Dito pa lang, kailangang makuha na nila ang approval ng mga professors nila. Kapag pumalya sila rito ni Kaito, malaki ang tiyansang mababasura lang ang pinagharapan nila.
“Huwag kang kabahan,” sabi ni Kaito sa kanya na nahalata ang pamumutla niya. Tinulungan din siya nitong ayusin ang kwelyo niya. Bagay na palaging ginagawa ni Kaito sa kanya. Minsan, ito din ang nagsisintas ng sapataos niya at nagbubuhol ng necktie.
“Hindi ako kinakabahan,” sagot niya rito. Nasa hallway na sila at kasamang nakapila ng mga kaklase nila patungo sa silid kung saan magaganap ang defense. Maya’t mayang may lumalabas roon na nag-iiyakan kaya hindi na lang mapigilan ni Wataro na makaramdam ng kaonting nerbyos. He also felt bad for those who receive rejection.
“Konti lang,” pag-amin niya kay Kaito matapos siya nitong titigan ng matagal. “Ganito kakonti,” dagdag niya at parang bata na pinakita ang hinliliit niya rito.
Nagtawanan lang silang dalawa. Kaito’s his greatest and one and only best friend. First year high school siya nang makilala niya ito. Pareho silang nasa huling section no’n at transferee ito kaya’t medyo malayo ang loob sa mga kaklase. Wataro notices his aloofness kaya’t tinangka niyang kaibiganin ito. Noong una, ayaw pa talaga nitong makipagkaibigan sa kanya. Kaito’s pushing him away sa kadahilang sila lagi ang palaging kulelat sa klase nila. Every time that Wataro receives the lowest score, sumusunod lagi si Kaito o kung ito naman ang lowest, siya naman ang pumapangalawa lagi.
“Mister Kaito Angara and Wataro Go? For the project entitled ‘Project I Love You?’” Tinawag na sila ng student assistant na naroon. Nagkatinginan silang dalawa at nang matapos ay agad na silang pumasok doon dala-dala kani-kaniyang folders na may lamang printed documents patungkol sa project nila.
“Yong sleeve mo, i-tack-in mo ulit . . .” turan sa kanya ni Kaito nang makapasok sila. Medyo busy pa sa pag-chi-check ang tatlo nilang professor kaya inayos muna ni Wataro ang sariling sleeve. Napansin niyang nagsilabasan ang laylayan nito kaya agad niya itong in-insert pabalik.
“Ay!” Natawa bigla siya dahil sa may portion ng brief niya iyon na-insert. Tinanggal niya iyon ulit at muli sinusksok sa slacks. Nakahinga siya ng malalim ng maayos niya itong nagawa.
“Kaito Angara and Wataro Go?” pagkukumpirma ni Ma’am Caballo. Ang babaeng prof na nakaupo sa kaliwang edge ng table. Nasa 40’s na ito at kahit mukhang istrikta ay sobrang approachable naman.
“Yes Ma’am!” sabay na nag-bow si Wataro at Kaito rito.
“Have a seat,” sabi naman ni Sir Julius. Ang lalaking professor na nakaupo sa kanang edge ng table. Nasa 40’s na rin at palangiti.
“Thank you, Sir!” Mas lalo silang kinabahan nang makapantay at makaharap ang mga ito ng maayos.
“Project I Love You, a virus that will destroy all the known virus. Hmm,” Huminga ng malalim si Miss Sam Pamintuan. Ang dalagang professor na nasa gitna nina Ma’am Caballo at Sir Julius. Sobrang ganda nito at sexy. Straight na buhok, mala-Angelina Julie na lips, bombshell boobs, at higit sa lahat, sobrang talino. At 27, professor na ito’t stable na ang career. Iyon nga lang, hindi pa nagkaka-jowa. Aside from that, sobrang crush ito ni Wataro.
“Sobrang ganda niyo po Ma’am,” Wataro suddenly commented. Natawa ang dalawang Professor liban kay Miss Sam na siyang kinom-pliment nito. Napalunok naman ng laway si Kaito dahil sa inasta niya.
BINABASA MO ANG
I Love You Virus
HumorWataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niyang saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don't feel like a total oblig...