Chapter 9

91 9 0
                                        

Wataro

“Mas maigi po talaga kung susuportahan niyo na lang si Dudang sa kung ano’ng gusto niyang mangyari sa buhay niya. Kung patuloy niyo po kasi siyang kokontrahin, mas lalo lang pong lalayo ang loob niya sa inyo.”

Maagang nagising si Wataro kaninang umaga para ayusin ang aberyang nagawa niya kagabi. Nakatulugan niya kasi iyon at hanggang kaninang madaling araw ay hindi pa rin bumabalik ang kuryente. Luckily, by 4:30 a.m., nasulusyonan niya na ito’t naibalik niya na ang dati sa lahat.

“Pero anak, masyadong malaki ang gagawin niyang desisyong ito. Gusto niya nang huminto sa pag-aaral? Ano’ng gagawin niya pagkatapos niyang huminto?” Kahit nagja-jogging na siya ngayon kasama ang aso niyang babae na si Savannah ay paulit-ulit pa rin niyang naririnig ang tanong na iyon ni Mama Pilar sa kanya. Nasa kusina sila kasama si Papa Diosdado kaninang madaling araw nang pag-usapan nila ulit ang bagay na iyon. Kakasaing lang ng kanin habang unti-unti namang kumukulo ang tubig sa takure.

“’Wag mo sabihin sa akin mag-aasawa siya ng foreigner? Kung gagawin niya ‘yon, kakalbuhin ko talaga siya ng tuluyan. Sabihin mo ‘yan sa kapatid mo,” ani Papa Diosdado.

Natawa lang si Wataro. He can’t imagine his little sister marrying an old, fat yet rich foreigner. Kung hindi mauuwi sa pagiging battered husband ang mapapangasawa ay paniguradong mabuburyo lang ito sa mala-machine-gun na bunganga ni Dudang. “Sa nakikita ko po, wala naman talaga sa isip niya na tumigil sa pagaaral. Paraan lang po niya iyon para sabihing pagod na po siya. Pero hindi po ibig sabihin niyon na titigil na siya. Gusto niya lang pong gumaan ang bigat na pasan niya kaya niya pinagsasabi ang mga bagay na ‘yon.”

Wataro knows how it feels to be carrying something heavy on one’s shoulders, both literally and metaphorically. It’s overwhelming and exhausting at the same time. You need to carry it cautiously while walking. Kapag tumigil ka saglit, mas lalong nadadagdagan ang bigat. Kapag binilisan mo naman ang paglalakad ay tiyak na mahuhulog ito. And every time you’ll be in pain because it, all you can do is to release your exhaustion through screaming and crying it out.

“Kailan niyo lang pong maniwala sa kanya.” His little flashbacks ended there. Huminto rin kasi ang aso niyang si Savannah sa gilid ng kalsda para tumae saglit.

Kokak! Kokak! Kokak!

“Tapos ka na ba?” tanong ni Wataro rito matapos nitong takpan ang sariling dumi gamit ang lupa. The brown dog wiggles its tale. Napangiti si Wataro rito at pagkatapos ay pi-nat ang ulo.

“Wataro? Ayos ka lang na? Ba’t mo kinakausap ‘yang aso?”

Napalingon si Wataro sa nagsalita. Nanlaki ng bahagya ang itim na itim at bilog na bilog na lente ng kanyang mga mata nang makita si Kaito. Nakasuot ito ng butas-butas na kulay puti na sando, naka-jogging-pants, at nakatsinelas. May dala-dala rin itong garbage bag na tila itatabi na gilid nang sagayon ay makolekta na ng garbage collectors.

Napalinga-linga si Wataro sa paligid. Hindi na pamilyar sa kanya ang mga kabayaan. Nasa patag na ito’t magkakapantay na halos ang tayog ng mga bahay.

“Nandito na pala ako sa subdivision ninyo . . .” aniya.

“Nasa tapat ka na nga ng bahay namin,” deklara ni Kaito.

“Talaga?” Napaawang lang ang munting bibig ni Wataro.

Kokak. Kokak. Kokak.

“Pasok ka.” Pagkatapos itabi ang garbage bag na dala ay pinagbuksan siya ni Kaito ng gate. Kinakalawang na ang rails nito’t doon niya nga rin sinabit ang tali ni Savannah. Just like him, Kaito also came from a lower-class family. Dating jeepney driver ang tatay nito’t habang ang nanay naman niya ay gumagawa ng tocino. Si Kaito lang ang nagiisa nilang anak at bagama’t unico hijo ay hindi ito spoiled. 12 year’s old pa lang kasi ay namulat na ito sa kahirapan ng buhay. Lalong-lalo na ng maaksidente ang tatay nito sa pinapasadang jeep. Nasa daan ito nang biglang may makasulubong na pribadong kotse na nag-counter-flow. Iniwasan niya ito’t binangga ang sariling jeep sa poste. Galos lang ang natamo ng mga pasahero nito gano’n na rin ang mga sakay ng kotse, habang siya ay masyadong malaki ang pinsalang natamo. Nang binangga kasi nito ang jeep sa poste ay naging sobrang lakas ang impact nito dahilan para maipit ang kaliwang paa nito sa nguso ng minamanehong sasakyan. Nadala pa ito sa ospital pero hindi na nagawang isalba ng mga doktor ang nadurog nitong kaliwang paa. Walong taon na rin nakakalipas nang mangyari ang aksidente but Kaito’s family can still feel its impact emotionally and financially. Simula rin ng mangyari ang aksidenteng iyon, palaging nasa bahay na lang ang tatay nito’t inaaliw na lang lagi ang sarili sa iba’t ibang gawain gaya ng pagkukumpuni ng kung ano-anong sirang kagamitan.

I Love You VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon