Dorothy
Kuya Wataro and Kaito automatically moved matapos kong sabihin ang lahat ng iyon sa kanila. They need to spread the virus as fast as they can nang sagayon mailatag agad nila anti-virus ng Project I Love You. They will become the heroes of many people, at paniguradong dahil doon ay pagkakaguluhan din sila ng media. That will also be the time that investors will come rushing on them, offering them different kind of resources. And when I say, ‘different kind’, kasali na roon ang mga unfair na offers. At iyon ang trabaho ko. Ang salain kung sino ang mga hinayupak sa mga investors na iyon. We need to work with those who knows the concept of win-win situation. Hindi iyong magti-take advantage lang sa amin dahil mga wala pa kaming masyadong experience dahil mga bata pa kami.
“Dudang? Bakit ka nandito?”
Agad akong nagising sa pagkakaidlip ko nang marinig ko ang boses na iyon. Una kong tiningnan ang phone ko para i-check kung may na-miss akong mga tawag o may natanggap akong text pero wala kaya tinignan ko na lang ang oras. 2:25 p.m.
Alas diyes umalis sina Kuya Wataro kaya mahigit tatlong oras din akong nakatulog. Ramdam ko na rin ang gutom. Hindi pa ako nananghalian.
“Tenshin . . .” banggit ko sa pangalan niya nang mapunta sa kanya ang atensiyon ko. Pinipilit niya ang sarili niyang makaupo sa patient bed.
Busy sa paghahanap ng pera ang mga magulang niya pati na rin ang mga magulang ko kaya ako ang naatasang magbantay sa kanya rito. Kagabi pa akong nandito sa tabi niya at bilin nga sa akin ng nurse na bantayan siya lagi dahil kahit nagpapahinga ay maari pa ring huminto ang pagtibok ng puso niya.
“Tenshin. Huwag kang masyadong gumalaw . . .” Iyon nga lang, huli na ako dahil ginawa niya pa rin iyong gusto niya. He told me too that he needs some real ear to breathe kaya gamit ang wheelchair at dinala ko siya sa playground ng ospital. Doon na rin namin kinain ‘yong rasyon sa kanya na ako lang naman talaga ang kumain dahil hindi raw siya nakakardam ng gutom. Palibasaha, naka-IV. It’s just a simple rice na may kasamang sinigang na baboy, pati na ginisang mga gulay. May saging iyong kasama kaya pinuntirya ko na rin ‘yon. Walang nurse na dumadaan doon kaya tinapon ko na lang sa basurahan ‘yong serving tray. Dumighay ako pagkatapos.
Hindi kayang umupo ni Tenshin sa swing kaya ako na lang ang umupo roon habang nasa tabi ko lang siya’t naka-wheelchair.
“You were rushed here last night. Nag-hyperventilate kaya kaya sinugod ka agad ng mga magulang mo rito. Hindi mo naman sinabi sa akin na malala na pala ang lagay mo. Tuloy, wagas ‘yong iniyak namin kagabi nang tinaningan ka na ng doktor. Ang sabi, one month na lang daw ang itatagal mo. Tangina.” Napamura lang ako. “Ah, oo nga pala,” may naalala ako nang napahapo siya sa dibdib niya, “ni-revive ka kagabi kaya ang sabi ng nurse, medyo makakaramdam ka ng bigat sa paghinga mo the moment na magising ka. Gusto mo bang mag-oxygen ulit?” tanong ko.
Umuling-iling siya. Huminga ng malalim at tumingin sa paligid. Bukod sa seasaw, slide at swings, may mga benches din dito at pati na mga tanim na bulaklak. Well trimmed in iyong grass bed nila rito at hindi rin masyadong masakit sa balat ang alas dos na sinag ng araw dahil tinatakpan ang buong lugar na ito ng manipis at itim na net, making it also the reason na magkulay sepia ang ang liwanag dito. Everything around here looks like golden bronze. Para kaming binalik sa 70’s habang nandito kami dahil sa klase ng aesthetic na iyon.
“Kaya ko namang huminga . . .” Tenshin reassured me.
“Tanong ko lang, ano’ng pakiramdam na may taning na ang buhay?” kuryoso kong tanong.
Natawa lang si Tenshin dahil sa pagiging diretso ko. “Malungkot, nakakapanghinayang saka nakakatakot.”
“Bakit? Bakit nakakalungkot? Bakit nakakapanghinayang? Bakit nakakatakot?” tanong ko.
BINABASA MO ANG
I Love You Virus
HumorWataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niyang saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don't feel like a total oblig...