Dorothy
“May iba pa ba siyang sinabi?” tanong ko kay Sora habang nagmamadali kaming maglakad papuntang faculty. Alam kong hindi dapat ako kinakabahan pero hindi ko pa rin mapigilan ang pangangatog ng aking mga kamay. Kahit na mga labi ko ay ganoon din nararanasan.
“Wala na. Pero ang sabi niya, kailangan niya raw talaga tayong makausap. Sinabi niya rin sa akin na nalaman niya rin dawng hi-nack ni Wataro ‘yong CCTV ng Traffic Management kahapon.”
“Bullsh*t.”
Isang bagay lang ang nagdudulot sa akin ng ganitong labis na galit---ang kahit anong masamang pangyayari na patungkol kay Kuya Wataro. Every time that someone tries to mess with my older brother ay talagang ikinaliliyab ko. Not because my older brother can’t take care of his self. He can. It’s just that I care so much for him at ayaw na ayaw kong may tumatarando sa kanya.
“Ay! Jusmiyo!” Napamura ang ilang professors sa loob ng faculty nang makarating ako roon. Binuksan ko lang naman kasi ng walang kasing lakas ang pinto. Nang tumama ito sa isang desk pagbukas ko, nagdulot ito ng matinding kalampag.
“Sino ba ‘yan?” Narinig kong may iritableng professor nagsalita. Pumasok na ako at pinakilala na ang aking sarili.
“Present! Dorothy Go po! Hinahanap po raw ako ni Miss Sam!” Plastik akong bumungisngis as if hindi ako galit. Tarantang-taranta na si Sora sa gilid ko dahil alam niya na ang ibig sabihin kapag nagiging ganito na ako.
“Sa susunod, ayusin mo ang pagbukas ng pinto. It’s a school property. Kapag nasira ‘yan, babayaran mo ‘yan!” ani ng professor na kalbo. Nakatingin din sa akin ‘yong ibang prof.
“Omo! Omo! Sorry po! Wala po kasi kaming pintong ganyan sa bahay.” Ngumiti pa ako ng malapad.
Tang*na niya.
“Miss Go and Miss Dilhang, come with me. May paguusapan tayo.”
Napangisi ako nang lumitaw na si Miss Sam. This b*tch!
Wala na siyang ibang sinabi bukod pa roon kaya sinundan na namin siya nang lumabas na siya sa faculty. Sinubukan siyang tanungin ni Sora kung saan kami papunta noong nasa may bandang hallway na kami pero ngumiti lang ang bruha. Nang lumbas kami ng gate ay nagkaroon na ako ng ideya sa kung ano ang mga susunod na mangyayari. Sa palagay ko ay siya pa lang ang nakakaalam na hi-nack ni Kuya Wataro ‘yong CCTV ng Traffic Management. Hindi ko alam kung paano niya iyon nalaman but for sure, she wants to discuss it with us privately.
Natawa ako noong nilakad namin ang sidelines sa labas ng university. Bago kami sumugod ni Sora kanina sa faculty, nag-expect ako na malalang gulo ang mangyayari. But I guess, she had already sense na may kaonti akong saltik sa utak dahil sa pananampal ko sa kanya kagabi. She’s aware that if she’ll announce what she knows publicly ay dadamayin at dadamayin ko talaga siya na siyang mas gusto kong mangyari.
Ilang lakad pa lang ay akarating kami sa So Jang Min Café. She ordered coffee for us at pinaghintay niya na rin kami sa pinakasulok na table na malapit sa fire exit kung saan wala masyadong nakaupo sa paligid. With that gesture, mas nakumpira ko pa ang mga hinala ko. This bitch is afraid of me.
“For sure, your friend, Miss Sora Dilhang had told you already,” aniya nang makarating siya sa table namin. Magkatabi kami ni Sora habang kaharap naman namin siya.
Pinalisikan ko lang siya ng tingin. Hindi ako sumagot hanggang sa makarating niya na ‘yong in-order niyang mga kape. Napairap ako agad nang marinig ko ang pagsinghap ni Sora sa gilid ko. First time niyang makakatikim ng ganito ka mahal na serving ng kape.
“Bakit may icing?” ignorante nitong tanong.
Ngumiti ang bruha. “It’s whip cream, Miss Dilhang.”

BINABASA MO ANG
I Love You Virus
HumorWataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niyang saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don't feel like a total oblig...