Dorothy
“Tenshin, pasensya ka na talaga, ha? Hindi namin na-celebrate ng maayos ‘yong birthday mo last month dahil sa sobrang gulo ng mga pangyayari.” Tandang-tanda ko kung paano ako hiningal nang iwan ako ni Kuya Wataro kanina sa hagdan patungo sa rooftop. Agad akong napakapit sa rail nang pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga.
That bitch! Ang kapal ng mukha niya at dinala niya pa talaga si Kuya Wataro sa rooftop roon. Para ano? Para masolo niya si Kuya Wataro roon? Huh!
They’ve been secretly affectionate with each other for almost a month kaya hindi malayong nagawa na nila ang mga naglalaro sa isipan ko kanina.
Nag-sex sila? That’s fine.
But do they really have to do it there? Bakit sa loob pa ng campus nila kailangang gawin iyon? Paano na lang kung ibang tao ang nakahuli sa kanila kanina at hindi ako?
Kuya Wataro’s already a fourth-year college student. Si Miss Sam, kapag nasibak siya sa trabaho niya, puwede siyang maghanap agad ng iba. Pero si Kuya Wataro, kapag hindi nakapagtapos, it’ll be a total downfall for him. That’s why I really hate that bitch. She’s so fucking selfish.
“Pero don’t worry, Tenshin. Babawi kami sa ‘yo ngayon. Kaya ito naaa!” Nabalik na ang isipan ko sa kasalukuyang panahon ng binuksan na ni Sora ang box na may lamang chocolate cake. Pinag-ambag-ambagan namin iyong apat kasama si Sora, soi Kaito, at oh well, si Kuya Wataro.
Medyo malaki-laki na rin ang size niyon para sa aming lahat kaya paniguaradong magkakasaya na iyon. Hindi rin naman ako patay-gutom kaya kahit hindi na ako makakain ay ayos lang.
What’s important is that we’ll be able to celebrate our closest friend’s birthday today. Late nga lang pero ayos lang iyon. Sa hirap ng buhay, nasanay ka kaming lahat dito na mag-celebrate ng birthday sa pinakapayak na paraan. At simple cake would do. Kahit nga wala ng pansit ay ayos lang. Ang importante ay nagsasasalo-salo at nairaraos ang kaarawan ng isa’t isa.
“Thank you, Sora . . .” pagpapasalamat ni Tenshin kay Sora. Seeing him smile makes me smile too, kahit na medyo masakit pagmasdan ang mga ngiting iyon dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa iyon masisilayan.
8:12 na ng gabi at sinadaya pa talaga naming imbetahin si Tenshin dito sa bahay namin para lang ma-celebrate ng late ang birthday niya. Supposedly, dapat noong isang buwan pa namin ito ginawa. Kaso nga lang, nag-drama ako sa araw ng birthday niya. That day na tinapunan ko si Miss Sam ng kape? Naglayas ako no’n pagkatapos at dalawang araw din akong hindi umuwi sa amin at kina Sora lang ako namalagi. Balak ko pa nga ring mag-extend sa kanila ng isa pang linggo sa pagkakataong iyon pero naririndi na ako sa mga pagpaparinig ng Mama niya sa akin kaya umuwi na lang ako sa amin kahit na sobrang labag pa talaga sa loob ko.
18 na si Tenshin at sobrang saya nga ng mga magulang niya na umabot pa siya sa ganitong edad. Tenshin has been sick since he’s a child at kahit nga ngayong teenager na siya ay nao-ospital pa rin siya ng paulit-ulit. His life is always at risk anytime. Kaya kaming mga kaibigan niya ay sobrang ingat na ingat din sa kanya.
Tenshin can’t experience too much stress.
Ganoon na rin ang sobrang tinding mga emosyon gaya ng galit o sobrang tinding saya.
Or else . . . sasabog ang puso niya.
“Wow! Thank you ulit, Sora!” Masayang-masaya si Tenshin nang tinapat na sa kanya ni Sora ang cake. Pinapagitnaan siya nilang dalawa ni Sora at Kaito habang ako naman ay pinapagitnaan ni Mama at Papa. Medyo napupundi na iyong ilaw dito sa kusina ng aming bahay kaya medyo dim na ‘yong liwanag na nilalabas ng bombilya. Doon sana kami dapat sa sala pero hindi kami magkakasyang anim doon. O kung pipiliting mang pagkasyahin ang lahat ay may dalawang tatayo, kaso walang gustong gumawa no’n. Magagalit din si Mama kung doon kami dahil ayaw na ayaw niya talagang magkamantsa ng icing ng cake ang sofa namin. Hanggang ngayon kasi, hindi pa iyon bayad.

BINABASA MO ANG
I Love You Virus
HumorWataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niyang saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don't feel like a total oblig...