Note: This is the final chapter of I Love You Virus. Thank you for staying with me until the very end. I hope you're all well and safe. There's still a two-part epilogue after this.
xoxo,
JoeyJMakathangIsip***
Dorothy
"Ayaw ko ngang mag-suot ng gown," naiinis kong sabi kay Sora habang nasa harap ako ng salamin. Tapos na ang make-up ko pati na rin ang buhok ko. And Sora did all those things. Light lang ang make-up ko at sa totoo nga ay kung hindi lang ako nag-lip-gloss ay mukha lang akong nag-pulbo. Maikli na ang buhok ko at nasanay na akong nakalugay lang ito palagi kaya nakakapanibago lang na mag-pony-tail, tapos may kung ano pang ka-artehan na pakulot-kulot sa gilid. Nainis ako nang malantad ang leeg ko pero wala na rin akong magagawa. Hindi ko rin naman alam kung ano ang maganda sa akin. Never pa akong naging beauty conscious, oh well, may beauty naman ako pero ayaw ko lang talagang pinagkakaabalahan kung ano ang itsura ko.
"Mag-tu-tux si Wataro, ikaw ang partner niya doon sa ball kaya alangan namang mag-skinny-jeans ka?" pang-aasar ni Sora. Nainis lang ako lalo.
That's right. Kuya Wataro and I are attending a ball. Kasali na kasi siya ngayon sa Professional Boys Club--isang organization ng mga bilyonaryong lalaki. It's the de Castro twins who made him join there for better connections. At iyon nga, that organization's having a ball. And each billionaire member is required to have a partner in attending it. Wala naman iyong problema sa akin. Ang akin lang, ayaw ko talagang magsuot ng hinayupak na gown.
"Wow! Dudang? Ikaw ba 'yan?" pang-uuto sa akin ni Sora nang maisuot ko na ang gown na iyon. Hindi na ako nakapag-react because it's just very pointless to do so. It's either maghubad ako papuntang ball o isusuot ko 'tong gown na ito.
It's a black gown designed by Patrash Francheska. Isang pamosong designer ng mga gown na suki rin ng Professional Boy's Club para sa mga partners nila kapag may event. Dalawa lang daw kaming nagawan niya ng gown and so far, sobrang elegante nga ng akin tingnan, lalong-lalo na kapag natatamaan ang crystals na nakadikit dito ng ilaw. Medyo naalibabaran lang talaga ako sa laki ng tabas ng slit. Naka-panty shorts din naman ako ng itim pero lantad na lantad pa rin ang legs ko kada maglalakad ako.
"Your make up's too light for your dress, Hija. Gawin mo ngang smoky black, Sora," sabi ng designer.
Sasampalin ko pa sana si Sora noong ituon niya sa akin ang 'yong make up brush, pero dahil hindi ko talaga alam kung ano ang maganda pa ra sakin, hindi na rin ako nakapalag kinalaunan.
"Dudang! Ang angas mo!" panguuto ulit ni Sora nang matapos siya sa ginagawa niya sa akin.
"Fierce," komento ni Patrash. Tiningnan ko ang sarili ko. My eyeshadow's black. My eyelashes are black. My dress is black. My stilettos are black. Mukha na akong witch.
Nagkibit-balikat lang ako nang lumabas na ako sa kuwarto ko. I just need to be there at the ball with Kuya Wataro kaya kung ano man ang itsura ko ay wala na talagang akong pakialam. Wala rin naman akong pakialam sa ibang babaeng naroon. Kaya kung mukha man akong witch ngayon, e 'di kukulamin ko na lang kung sino man ang magiging judgemental sa akin sa ball.
"Dudang?" Naitaas ko agad ang mukha ko nang may tumawag sa pangalan ko. Papunta pa lang ako sa kuwarto niya para makaalis na kami agad. And seeing here right now out of the blue in his deep green tux makes me drop my jaw.
Agad na lumabas si Kaito at pati na ang de Castro twins sa kuwarto niya. Nagtungo rin ang mga ito agad sa likod niya. Ganoon din naman si Sora at Patrash na kakalabas lang din mula sa kuwarto ko. They immediately went behind me, murmuring compliments I can't understand dahil mas naka-focus ako sa demi-God na lalaking nasa harap ko ngayon.
BINABASA MO ANG
I Love You Virus
UmorismoWataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niyang saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don't feel like a total oblig...