Chapter 18

70 10 0
                                    

Dorothy

“Over pass? Gusto mong magkita tayo sa overpass?” Saktong pagkarating ko sa exit ng subdivision ay naroon din ang bitch na si Miss Sam. Mas nauna siyang nakarating kaysa sa akin doon at mukhang gaya ko ay maghihintay din siya roon ng masasakyan. Gusto ko pa sana siyang sabunutan nang makita ko siya roon but I just keep my cool. Walang CCTV sa lugar na ito at kung meron man ay alam kong sira. Ibig sabihin, walang makakakita at walang magiging ebidensya kung sakaling sabunutan ko man siya. Kahit bitch ako gaya niya (mas bitch nga lang ako) ay patas pa rin akong lumaban. Well, depende sa sitwasyon.

“Okay, I will be there soo—” Nahinto siya nang makita niya ako sa gilid niya.

Sinipat niya ako ng maayos. Mula ulo hanggang paa. And when she declares that I’m harmless, pinagpatuloy niya ang pakikipagusap sa taong nasa kabilang linya. “Hmm. I think I can’t be there soon.”

She pauses again. Tila may tinanong sa kanya ang kausap niya o baka naghanap ng paliwanag kung bakit hindi siya agad makakarating. “Ganito na lang. I will just text or call you kapag papunta na ako roon. It’s just that I need to talk to someone right now.” Muli siyang napatingin sa akin. “Bye.”

“Huh!” Napabuga lang ako ng hininga ko. This bitch! It’s obvious na si Kuya Wataro ang kausap niya yet she’s trying to act so hard na hindi ko siya mahalata. Para saan pa?  I know her greatest secret. Na gaya ng ibang professor sa faculty ng university ay gusto niya ring mapasakanya ang project ni Kuya Wataro at Kaito. Again, I want to slap her so hard na parehong masasaktang ng walang kasing tindi ang pisngi niya at kamay ko pero hindi maari dahil walang makakakita. Bawat galaw ko, kino-konsidera kong isang uri ng sining and I always want to be recorded in history. Estudyante, sinampal ang isang teacher. That would be a great headline. Magkakagulo ang media at ilang araw akong mahe-headline dahil doon. Kaso nga lang, minor pa lang ako. For sure, they will just blur my very pretty heart-shaped face.

“Ayos ka lang ba? Umiyak ka ba? Bigla ka na lang umalis kanina,” aniya, as if concerned siya sa akin.

“Stop acting like a saint, okay? Sobrang halata na isa kang bitch kaya umayos ka,” sabi ko sa kanya.

This time, siya naman ang napabuga ng hiniga. Magsasalita pa sana siya pero agad ko na siyang in-interrupt. “Alam kong marami kang gustong sabihin sa ‘kin? Bakit hindi muna tayo magkape?” I suggested to her.

Pinanlisikan niya ako ng mga mata.

“Don’t worry, hindi na kita sasabuyan ng kape.” Tinaas ko ang kamay ko sa harap niya as a sign of of promise.

“Swear to die,” aniya.

Natawa ako sa sinabi niya. “Seryoso ka ba? Ano ka bata? At isa pa, hindi ka worth it ng pagkamatay ko. Mauuna ka muna bago ako.”

May dumating ng taxi at pagkatapos niyon kaya pumasok na ako sa loob.

“Ayaw mo? Bakit? Takot ka ba sa akin? I’m just 16 year’s old. Hindi kita kayang patayin,” sabi ko sa kanya.

Nagtangis ang mga ngipin niya at lumapit na siya sa pinto ng taxi. “Sa harap ka. Ayaw kong makatabi ka,” aniya.

Natawa lang ako. Sinunod ko naman ang utos niya. “Ah, oo nga pala. Dahil 16 lang ako at estudyante pa, ikaw muna ang magbabayad sa pang-taxi ko papunta at pabalik. Pati na rin sa kape na oo-orderin mo para sa akin.”

“Bitch,” mahina niyang bulong habang rumurolyo ang mga mata. Pinaandar na ng driver ang taxi at maya-maya pa nga ay nakarating na kami sa coffee shop na nasa gitna ng city.

“You really remind me of my self, Miss Dorothy Go. No’ng nasa edad mo rin ako, I was rebellious too. Matayog din ang pangarap ko at hindi ako basta-bastang umaatras,” aniya nang nang makaupo kami roon.

I Love You VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon