Dorothy
Ang mga pinakamasakit na salita ay hindi ang mga salitang napapakinggan kundi ang mga salitang na hindi naririnig. ‘I love you’ na walang ‘I love you too’, ‘I care for you’ na walang ‘I care for you too’ at marami pang iba. It’s the reply without a real reply. It is the silence after a long confession. It’s the coldness after a warmth.
At sa gabing ito ay hindi ko lang ito isang beses na naranasan kundi dalawa. Dalawang beses. Sinabihan ko ng ‘I love you’ si Kuya Wataro pero hindi ‘I love you too’ ang sinagot niya. Hinintay ko marinig kina Mama at Papa na naniniwala sila sa akin pagkatapos nang mahaba nilang comfrontation kay Kuya Wataro pero hindi ko iyon narinig. At sobrang sakit lang niyon.
“Ayos lang ako. Wala ‘yon. Hindi ako umiyak ng grabe, ha?” Hinarap ko na si Kuya Wataro matapos kong maiyak habang yakap-yapak siya. What I heard, I mean, what I didn’t hear from our parents this night was just so painful that I couldn’t fake it. Kaya’t gano’n na lang din ang pagbuhos ng emosyon ko sa kanya. As far as I want to, ayaw kong makita niya o kahit na sino ang mga pagkakataong nanghihina ako. But what happened earlier can’t be helped. Mabuti na lang talaga at agad akong napapunta rito sa kuwarto niya’t sa kanya ko na lang naibuhos ang nararamdaman ko. I could have actually endured it alone, pero hindi ko alam kung makakayanan ko bang ako lang mag-isa ang gumawa no’n.
“Okay. Ayos lang si Dudang at hindi siya umiyak ng grabe. Walang naaaslala si Kuya Wataro,” nakangiting aniya dahilan ng pagbungisngis ko kahit na sobrang hapdi pa ng mga mata ko.
“’Yong ulam at kanin ko? Saan na?” Nilahad ko ‘yong dalawang palad ko sa kanya.
May kinuha siyang dalawang baunan sa desk niya at nang ibigay niya iyon sa akin ay agad ko iyong binuksan. Kanin na tutong at taba ng adobong baboy.
“Yee! Kakain na ako!” Tumakbo ako agad patungo sa bintana at umupo na roon sa bubong. Nasa second floor ang parehong kuwarto namin ni Kuya Wataro pero ‘yong sa kanya lang ay may ganito dahil ito ‘yong nasa harap. Nasa baba nito ang computer shop namin nagsasara ng alas otso kaya may ganitong kahaba at kapatag na bubong na puwedeng upuan at higaan ng limang ka-tao. Nasa tuktok ng subdivision ang bahay namin kaya kahit medyo mababa lang ito mula sa lupa ay kita pa rin dito ang kabuuan ng kabayahan na nasa malapit lang. Kita rin ang mga building sa city mula rito pero dahil malayo na ang mga iyon at nagmumukhang kapiranggot na lang sila kapag tinatanaw mula rito.
Iyon nga lang, dahil brown out ngayon, hindi ko maaninag ng maigi ang napakaganda sanang view na iyon.
“Patawarin mo si Kuya Wataro, hindi ka niya pinagtakpan kina Mama,” ani Kuya Wataro nang makatabi siya sa akin. Nagsimula na rin akong kumain.
Umiling-iling ako. “Ayos lang.”
Ayos lang kasi alam ko naman talaga in the first place na hindi siya marunong magsinungaling lalong-lalo na pagdating kina Mama at Papa. At ayos na rin na sinabi niya sa kanila ang totoo kasi deserve naman talaga nilang malaman kung ano ang mga nangyayari sa akin at sa buhay ko kahit na galit na galit ako sa kanila.
“Dudang . . .”
“Hmm?”
“Naghugas ka ba ng kamay?”
Kokak. Kokak. Kokak.
“Akala ko naman, seryosong tanong ang itatanong mo.” Napabungisngis ulit ako.
“Seryoso nga ako. Naghugas ka ba ng kamay?”
Kokak. Kokak. Kokak.
Kumurap ako ng apat na beses. “Oo naman.”
Tumango-tango siya.
Actually, hindi. Gutom na gutom na kasi talaga ako at hindi ko na naisip ‘yon. Saka na lang kapag natapos na akong kumain. At saka wala rin namang tubig kasi nga black out.
Kinamay ko ‘yong kanin at malagalig na sinubo kasama ang taba ang baboy sa harap ng pagmumukha ni Kuya Wataro. He handed me a pineapple juice at pagkatapos ay dumighay ako ng walang kasing saya.
Natatawang nandidiri ang naging reaksyon niya sa ginawa ko..
“Sorry.” Iyon lang ang sinabi ko sa kanya.
“Dudang?”
“Hmm?” Malapit ko nang maubos ang kanin at ulam ko.
“Naniniwala ako sa ‘yo,” aniya at natigilan na lang ako. What he said automatically melts my heart. Kahit ilang beses ko pang marinig iyon mula sa kanya ay ganoon ang magiging epekto niyon sa akin.
“Aba dapat lang . . .” Nag-iwas ako ng tingin at saka nagsimula ng magligpit. “Kasi, kung hindi mo ‘yon gagawin, sino pang ibang maniniwala sa akin?” turan ko at nagulat na lang ako sa mga sumunod na tagpo kasi bigla niya na lang akong niyakap.
Agad din naman niya itong kinalas. “Pero mas maigi kung maraming maniniwala kay Dudang.”
Napairap ako. Alam ko na kung ano ang susunod niyang sasabihin.
Akmang tatayo na sana ako nang hinawakan niya ako sa palapulsuhan ko. “Si Mama at Papa, kailangan din nilang maniwala sa ‘yo.”
Umupo ako ulit. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko. “Kuya ahhh. Kahit ikaw lang ang maniwala sa akin, sobrang sapat na iyon.”
Napa-buntong-hininga siya at gano’n na lang basta natapos ang gabi namin. Kuya Wataro’s desperate on bridging the gap between me and our parents. Iyon nga lang, masyado nang imposible iyon. Simula nang magkaisip ako, palagi na lang silang may duda sa akin. Just because I don’t achieve much in school ay tanga at bobo na lang ako nilang ituring. What they didn’t know is schooling teaches me nothing but unpractical things. As someone who grows up in poverty, wala akong maalalang may nagturo sa akin kung paano yumaman. What they’re always trying to do is to shape me in becoming a salary woman which is really degrading on my part dahil alam kong mas higit pa roon ang kakayahang mayroon ako.
‘Dudang, naniniwala si Mama sa ‘yo.’
‘Dudang, naniniwala si Papa sa ‘yo.’Papasok na ako ng university kinabuksan nang matanggap ko ang dalawang text na iyon. Na-late ako ng gising kaya nauna na si Sora. Si Kuya Wataro at Kaito naman, mamaya pa ang pasok. Si Mama at Papa ang naghatid sa akin dito at kakaalis lang nila kaya labis na lang ang pagtataka ko nang matanggap ko iyon mula sa kanila. Akala ko, hindi ako maapektuhan ng sobrang corny nilang text na iyon pero ewan ko ba dahil noong pinagbuksan na ako ng guard ng gate at tuluyan na akong nakapasok doon ay may kung anong bato na lang ang bumara sa lalamunan ko.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong campus. Maybe they’re just happy na nakita nila akong pumasok ako sa araw na ito. Pero kahit gano’n, sobrang tindi pa rin ng naging epekto sa akin ng naging text nila.
Binasa ko iyong muli at napatakip na lang ako ng bibig at napaiyak.
Ang mga pinakamasakit na salita ay hindi ang mga salitang napapakinggan kundi ang mga salitang na hindi naririnig. ‘I love you’ na walang ‘I love you too’, ‘I care for you’ na walang ‘I care for you too’ at marami pang iba. It’s the reply without a real reply. It is the silence after a long confession. It’s the coldness after a warmth.
On its opposite side, ang mga salitang nagdudulot ng matinding saya na maaring mapakinggan ng isang tao ay iyong mga salitang binibigkas ng labi o hindi kaya’y sinusulat mula sa puso. Pabulong o pasigaw na ‘Mahal din kita’. ‘Naniniwala ako sa ‘yo’ na galing sa text, kompletong may period at pati na may pangalan mo. Iyon ang mga salitang nagdudulot ng matinding saya na maaring mapakinggan o matanggap ng isang tao.
“Dudang! Pinapapunta tayo sa faculty! Nalaman daw ni Miss Sam na humingi tayo ng tulong kay Wataro na i-hack ang CCTV ng Traffic Management kahapon. Dali!”
I was just savoring the most beautiful words I have ever received in my entire life nang bigla itong mapalitan nang kahindik-hindik na mga salita. Nasa hallway na ako ng Business Mangement building nang salubungin ako ng naghihingalong si Sora para iparating sa akin ang mga salitang iyon. Suddenly, my world turned upside down. Sana hindi ko na lang narinig ang sinabi ni Sora. Sana hindi na lang.
***
BINABASA MO ANG
I Love You Virus
فكاهةWataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niyang saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don't feel like a total oblig...