Chapter 7

99 9 0
                                    

Wataro

Minsan, ang mga salitang hindi direktang naririnig ng ating mga tainga ay ang mga salitang pinakamasakit at pinakamasarap pakinggan. Pinakamasakit kung masasamang bagay tungkol sa ‘yo ang naririnig o nasasagap mo. Pinakamasarap naman kapag mga positibong salita ang dumadating sa ‘yo. Whether you hear it accidentally or coincidentally, ang mga salitang hindi direktang naririnig ng ating mga tainga ay ang mga salitang pinakamasakit at pinakamasarap pakinggan.

In his entire life, hindi pa nararanasan ni Watarao na may nag-confess sa kanya na mahal siya ng isang tao o mahalaga siya para rito. Yet, with the support system he have right now, both from his friendship with Kaito and from his family, Wataro is completely aware that everyone around him loves him sincerely. That’s why hindi na rin siya nagulat nang sinabihan siya ng ‘I love you’ ng kapatid niyang si Dorothy kanina dahil matagal niya nang alam iyon.

Palasigaw at medyo bastos man ito sa kanya ay alam niyang puro ang pagmamahal nito and that she fully respects him as her older brother. Wataro knows that Dorothy is the kind of sister na palaging nagtitigas-tigasan at nag-aangas-angasan pero sa totoo naman talaga ay walang kasing lambot ang puso nito. He had witness it for so many times how Dorothy feels bad kada natatapos itong makipagaway sa mga magulang nila. Madalas ay umiiyak ito at minsan naman ay sinasaktan nito ang sarili after feeling the guilt of fighting with them. That’s why every time that her sister is showing its tough side ay hindi na siya nagaalala dahil alam naman niya kung ano talaga ang totoong pagkatao nito. And Dorothy letting him know that she loves him just melts his heart. Hindi niya man ito nasagot kanina dahil sa kawalan ng mga salitang maaring iresponde dito ay alam ni Wataro sa sarili niya na mahal na mahal niya rin ang kapatid niyang ito.

“Can you check the protocols again? Palagay ko, may nakaligtaan tayo doon kaya nagkaroon ng pag-leak kanina . . .” ani Kaito sa kabilang linya. Malapit nang mag-alas-dose ng gabi at babad pa rin siya sa tapat ng kanyang laptop. Bagama’t inaantok na siya ay pinipilit niya pa ring dumilat. He needs to finish this thing tonight. Si Wataro kasi iyong tipong tao na kapag may inuumpisahan ay talagang tinatapos niya.

Pumaling ang ulo niya pakanan nang ma-check ang sinabi ni Kaito. Protocol’s the law on the code of their script. Ito ang gumagawa ng paraan at nagre-resolba ng mga pagkakamali kapag nagkakaroon ng aberya. Madalas ay nagsisimula ito sa “IF” at natatapos sa “THEN”. Isang halimbawa na nga lang nito ay ang isang napaka-basic na linya na script ng software nila na nagsasabing, </“IF” platform 6 failed to detect a virus “THEN” platform 7 should rerun the scanning again./>

“Hindi pa rin ba?” tanong ni Kaito nang hindi na natagalan ang pananahimik niya. Hindi na nagsalita si Wataro at mabilis na lang na nagtipa ng panibagong script sa laptop niya. He pressed ‘ENTER’ afterwards at nang mag-rerun na ulit ang beta version ng Project I Love You software ay hindi siya halos makahinga.

Inayos niya ang headset sa tainga kung saan niya pinapakinggan si Kaito. Napunas din siya ng pawis pagkatapos.

“Wataro? Hey! Andiyan ka pa ba?”

Kumuha siya ng kaparehong virus na na-detect kanina sa beta test. It’s a virus from a well known porn site na nagbabato ng mga informations ng system na inaatake nito at nagre-retaliate kapag pinupuksa. It’s a very potent virus na nagdulot din kay Wataro nang mahabang pagiisip kung paano niya ito tuluyang masisira. At makalipas nga lang ng ilang oras ay may kung anong bombilya ang nagliwanag sa isip niya para solusyonan ito.

Using a bracketing method, din-nuplicate niya ang pinupuksa niyang virus making it a reason that every time na susubukan nitong mag-resist sa beta version ng ‘Project I Love You’ software ay hindi ito nagtatagumpay sa kadahilanang imbes na mag-retaliate ito bago mamatay ay nalilito lang ito at nagse-self-destruct. Its own duplicate makes it possible to happen. Dahil nasa loob lang sila ng iisang bracket ay fatal mirroring nga lang ang nangyayari dito.

I Love You VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon