Chapter 32

66 5 0
                                        

Dorothy

May mga pagkakataon sa linggong ito na hindi ko mapigilang makaramdam ng guilt sa kung gaano namin kabilis na naabot ang kung ano mang tagumpay na tinatamasa namin ngayon. Launching I Love You Incorporated was really a great success, and we've done it just for less than a month. It's already the second day of operation pero may dumadagsa pa rin mga investors. Some are just willing to invest and some even wants to buy our company. Nakakalula ang halagang pumapasok sa kompanya namin. It's billions. Noong una, ayaw kong maniwala dahil puro figures lang ang nababasa at naririnig ko. But when I'm already starting to see cheques and even transaction records na may sobrang lalaking halaga, doon na ako nakumbinsing totoo nga ang lahat ng iyon. It feels good that we succeeded launching it, pero gaya ng sabi ko, may dala pa rin iyong guilt sa akin. Everything is happening very fast. Noong isang linggo, pinaguusapan pa lang namin ang patungkol sap pag-i-incorporate ng Project I Love You, and now, we already have a building, we already have investors, ay mayroon na rin kaming mga empleyado. Hindi ko rin mapigilang kabahan na baka panandalian lang ang lahat ng ito. O baka may malaking kapalit.

Pero ba ako nagiisip ng gano'n? Ni hindi nga ako halos naniniwala kung talagang may panginoon ba, tapos iyon pa ba? We've worked hard for it. Kuya Wataro worked hard for it. And so far, we've already calculated all the risk, kaya imposibleng mabibigo lang kami ng basta-basta.

"Kuya Wataro! I love you! See you later!" In a very broad daylight, nagawa ko iyong sabihin sa kanya, at hindi ko lang iyon basta-bastang sinabi kundi talagang pinagsigawan ko iyon. Ibang-iba si Kuya Wataro sa lahat ng lalaking nakilala ko. He has dreams, goals, and ambitions in life. Hindi niya man iyon sinasabi sa akin pero nakikita ko iyon sa mga mata niya. Nakikita ko iyon sa mga kilos niya at pati na sa pagsusumikap niya. We grew up together and given the limited resources that my poor parents had provided for him, he was still able to make something out it. And I just can't help but get proud of him. Nasaksihan ko ang paghihirap niya sa mga pagkakataong nagkakandasira-sira ang computer namin sa bahay. Paulit-ulit kong nasaksihan kung paanong hindi siya nagrereklamo. At pati na rin kung paano siya laging bumalik sa pinakaumpisa at pinakababa ng paulit-ulit. That's why I fell in love with him. Not because of his looks. Bonus na lang iyon. What matters for me is what he is inside. Tatanga-tanga lang si Kuya Wataro paminsan-minsan, but deep within, he's a courageous and hardworking man.

Pinagmasdan ko lang siyang maglaho sa paningin ko. Different vehicles are passing by in front of me. At masasabi ko sa sarili ko na sobrang ganda lang talaga ng araw na ito. Sobrang aliwalas ng kalangitan, hindi din gaanong ma-traffic at medyo may lamig na dulot ang hangin. Maybe it's because 'ber' months are already fast approaching.

Pagpunta ko ng ospital, nadatnan ko si Tenshin sa kuwarto niya na pinapalitan ng nurse ng IV. He smiled when he saw me. Binati lang din ako ng nurse na agad din namang umalis nang matapos siya sa ginagawa niya kay Tenshin.

Seeing him smile makes me think that he's already okay. Hinihintay na lang na maghilom ng tuluyan ang mga tahi niya sa dibdib at pagkatapos ay puwede na siyang makauwi.

"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya. Umupo na ako agad sa may paanan niya.

Tumango lang siya. Hindi pa rin nawawal ang ngiti sa mukha niya.

"Yah!" sita ko. Parang may alam siya na hindi ko alam.

Umiling-iling lang siya pagkatapos. "Congrats."

Natigilan ako. Hindi kaya alam niya na na kami na ni Kuya Wataro?

Hindi pa ako nakakapagsalita, sumagot na agad si Tenshin. "Kuya Wataro came here with kiss marks on his necks. Ikaw rin."

"Puta!" Napamura ako. Agad kong tinakpan ng scarf ang leeg ko. Noong papunta ako rito, nakalimutan kong naibaba ko na pala iyon. And yes, Tenshin was right. Pareho kaming may kiss marks ni Kuya Wataro sa leeg. Kaya siya naka-turtle neck kanina habang naka-scarf naman ako.

I Love You VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon