CHAPTER 2

31 3 0
                                    

Sinabi ko kay nellie na gusto kong sa tusok tusok na lang kami kumain kaya pumayag din naman siya.Tumusok ako ng kwek kwek at sa di inaasahan yung kwek kwek na tinusok ko ay may taong tumusok din doon , tumingin ako kung sino sabay ng pag taas ko ng kilay dahil hindi niya ba alam na akin na yung kwek kwek?

"Excuse me?" Pag susungit ko dito habang di pa inaalis ang pagkaka tusok nito sa kwek kwek

"Ah miss ako nauna" sabi niya ng naka tingin sa akin

"Ako nauna! kwek kwek ko to ah!" Angil ko naman sakanya

Tiningnan kami ni nellie na gulat na gulat pati na din yung nag titinda ay di maipaliwanag ang mukha sa ginagawa namin ng lalaking to

"Uy klinton!" Sigaw nung kaibigan niya at agad niyang nilingon hindi pa din siya natitinag sa kwek kwek ko kakainis ah. Kung puwede lang na yung kamay na lang niya ang tusukin ko kaso ay hindi pwede, lumapit samin yung kaibigan ni klinton at tiningnan kung ano ang pinag kakaguluhan namin doon ngumisi ito ng nakaka loko

"Ano yan agawan ng kwek kwek na may kwek kwek?" Tumawa yung kaibigan niya habang nakatingin sa stick namin na parehong naka tusok padin sa kwek kwek. Nakita kong nakatingin na din samin ang iba pang bumibili doon pero binalewala lang namin ang mga ito dahil sa kwek kwek na to

"Kwek kwek ko nga kasi to" aba't sumagot pa ulit ang mokong

"Akin to! ako na unang tumusok maghanap ka ng kwek kwek mo!"

Tumawa na si nellie at ang kaibigan ni klinton dahil sa mga pinag sasabi namin, tiningnan ko naman siya ng " di ako papatinag" look at pinan taasan niya lang ako ng kilay , antipatiko!

"Mga anak ang daming kwek kwek diyan oh"

Sumingit na si manong sa pag tatalo namin nitong si klinton dahil wala ni isa samin ang gustong mag pa ubaya

"Tol paubaya mo na may sarili ka namang kwek kwek mas malaki pa"

Sabay tawa nito ulit na siniko naman agad ni klinton na ngayong naka akbay niyang kaibigan sakanya, tiningnan siya ni klinton ng masama  para manahimik parang nag usap sila sa mata sabay ng pag tanggal nito ng stick sa kwek kwek. Ngumis ako at agad nilagay sa isang maliit na baso yung kwek kwek

"Papaubaya din naman pala dami pang alam" untag ko

Hindi niya na lang din pinansin ang sinabi ko at nag tusok na din siya ng ibang kwek kwek samantalang kumuha ako ng anim na kwek kwek at nag bayad na kay manong. Nanghingi ako ng sorry sa nag titinda hindi na din namin pinansin pa sila klinton dahil naiinis lang ako sakanya

"Yun ba ang hinahangaan mo nellie? Tss... sa simpleng kwek kwek ayaw mag pa ubaya?

Sumbat ko dito habang nag lalakad kami papasok ng school, tumawa naman si nellie at binalewala ang pagkaka pintas ko sa hinangaan niya

"Kwek kwek ko kasi to!"

Ginaya ni nellie yung pagkaka sabi ko kanina habang tinatawanan ako tiningnan ko siya ng masama dahil umaarte siya na parang may hawak na stick, abnormal

"Percy imagine kwek kwek lang yun?! Kanina yung ballpen ngayon naman-! My goodness!"

Tumawa siya ng tumawa at hindi pa din siya tumitigil kaka inis sakin hanggang sa makarating kami sa room ng last subject namin.

"Ako naman kasi talaga na una tumusok dun" Umupo ako bandang likod para makatulog ako saglit habang nag hihintay sa prof namin, tumabi sakin si nellie pero di ako makatulog dahil panay padin ang pang aasar niya sakin

TRUTH ,LOVE AND LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon