Matagal akong nag iisip kung anong damit ang susuotin ko dahil nakaligo na ako lahat lahat pero hindi ko gusto ang mga nakikita kong damit parang hindi kasi ito nababagay sa akin at wala akong matipuhan ni isang damit.
"Anak kanina ka pa diyan anong oras na mahuhuli ka na"
Agad kong nilingon si mama na kanina pa pala ako pinapanuod mag halungkat sa gamit ko. Pano ba naman kasi first day of school ko na ngayon sa college at naiinis ako dahil bakit pakiramdam ko ngayon wala ako masuot.
"Mama wala na ba akong ibang damit?" agad na kumunot ang noo ni mama sa sinabi ko at lumapit sa closet ko para tingnan ang iba pang mga damit ko na nakatago
"Anak ang dami mong magagandang damit diyan may mga bago pa na di mo na susuot ah." karamihan kasi sa damit na gusto ko ay pa ulit ulit ko ng sinuot, at ayoko naman na first day ko sa college yun at yun na lang ulit ang susuotin ko, i want to try something new pero hindi yung....
"Ma! Revealing masyado sa dibdib!"
"Anak maganda naman ito" pakita niya sakin habang angat angat ang damit na kahit kelan ayokong suotin, hindi naman kasi ako ganun ka babaeng babae
Sabi na nga ba ganitong damit nanaman ipapa suot sakin ni mama,ayoko kasi ng masyadong kita ang kaluluwa ko sa damit.
"Ma hindi po ako kumportable sa ganyang suot"
Lumipas ang ilang sandali naka simangot akong lumabas ng bahay dahil napilitan akong suotin ang isang fitted plain v-neck shirt na kulay abo na katerno ang high waist denim pants.Nag tricycle ako papuntang school mga 10 minutes lang naman ang layo nito sa bahay kaya di ako gaanong na late wala ding traffic dahil nasa probinsya naman kami ng infanta. Hindi naman gaanong ka probinsya ito dahil may mga naitayo na ding mangilan ngilang matataas na gusali at mall sa bayan. Makikita ang mala bukid na bahagi ng infanta sa ibang karatig baranggay.
Ang sabi ni mama hindi masyadong magusali dito sa Infanta noon dahil halos ang makikita mo ay maraming puno at taniman ng palay,kamote at mais.Sa ilang taon daw ng nanirahan sila mama sa maynila ay yun naman ang malaking pinag bago ng probinsya ng Infanta.
Mayroon ding dagat na madalas paliguan ng mga taga dito kasama na ako doon syempre. Dito na ako ipinanganak at nagkaroon ng malay sa lahat, masasabi kong nakakapunta ako sa maynila dahil karamihan sa mga kamag anak namin ay nandoon pero mas pinipili nila mama at papa na dito kami sa infanta tumira para hindi kami ma expose sa masyadong mausok na lugar tulad ng maynila.Katwiran din nila ay simpleng pamumuhay simpleng buhay.
Mas gugustuhin ko din naman na dito na lang dahil marami akong nakaka sundo kahit may pagka masungit akong tao. Isa sa mga gusto ko din dito ay marunong ang mga taong mag pakumbaba at marunong rumespeto, hindi natin masasabi na ang isang probinsya tulad ng infanta ay puno ng masasayang pamilya at maraming nabubuong pagkaka ibigan. Kilala ka man o hindi ay patuloy ka nilang tatanggapin sa buhay nila yun nga lang hindi maiwasan ang mga tsismosa!
Pagkapasok sa school hinanap ko na agad yung room kung san ang first subject ko at hindi ko maiwasang isipin na iba na talaga ang buhay kolehiyo kumpara nung high school ako na mayroong kaibigang kasama na maghanap ng section niyo. Napansin ko na nasa tapat na ako mismo ng room kaya pumasok ako dito ng walang pag aalinlangan may ibang tumingin sakin pero karamihan sa mga nadatnan ko ay may mga sari-sariling mundo.Gusto ko sanang maupo sa dulo dahil nahihiya ako sa suot ko pero may mga kalalakihan na naka upo doon, kaya umupo na lang ako sa pangatlong linya ng mga upuan. At habang nag hihintay ng prof ay natulog muna ako.
Nagising ako na may kumakalabit sakin agad akong nag angat ng tingin sa katabi ko at nakita ko ang magandang babae, mahaba at straight ang kanyang buhok, at morena. Dahil sa pagka tulala ko sakanya ngumiti ito, di ko namalayan na napa titig pala ako saglit sakanya. Tumikhim ito at tumingin sakin
BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Novela JuvenilSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...
