Hawak ko ang isang card na kanina pa tinititigan kanina pa din kasi ako tinatawagan nila ate jayne at nellie pero hindi ko magawang sagutin ang mga iyon dahil nag dadalawang isip akong pumunta sa birthday celebration ni klinton. Ngayon kasi iyon at dahil sa polilio island ito gaganapin kailangan naming mag sabay sabay nila ate jayne na pumunta sa kabilang isla, tawid dagat kasi ito at yun din ang kauna unahan kong mapupunta sa kabilang isla.
Iba ang dulot na kabang bumabalot sa buong katawan ko sa di malaman na dahilan hindi naman galit sakin si klinton at hindi din naman ito date pero bakit ganito ang nararamdaman kong gusto ko na lang mag back out para pumunta, pero naalala ko ang sinabi ni klinton noong nakaraan.
Iniisip ko din kung ano ang magiging reaksyon ni klinton kapag nalaman niyang nagiging maayos ang pakikitungo ko kay dave at ayokong malaman niya ito, ayokong masaktan siya sa paraan na nilihim ko ang lahat at binigo silang dalawa ni nellie.
Kanina pa nag ring ang phone ko kaya kinuha ko na iyon para sagutin.
"My ghod percy! Lets go! Nasaan ka na ba?"
Inilayo ko ang cellphone sa tainga ko dahil sa lakas ng sigaw ni nellie, masaya akong kinokontak na ulit ako ni nellie pero parang nadagdagan ang pag susungit niya sakin.
"Oo na pupunta na!'"
pinatay ko ang tawag at nagmadaling pumunta sa meeting place namin, gusto ko na lang lumipad dahil sa pag mamadali kung bakit naman kasi ni isa sa kanila walang gustong sumundo sakin.
Pasalamat na lang ako dahil dumating ulit si ate kaya nakiusap si mama na ihatid niya ako sa daungan ng mga barko sa kabilang parteng infanta.
"Pag nagka trabaho ka bumili ka ng sasakyan mo hindi yung ang lapit lapit na nga lang papahatid ka pa"
Hindi ko na lang pinansin ang pag susungit na ginawa sakin ni ate dahil sanay na akong madalas mag reklamo pag ako dahilan ng pag bangon niya ng umaga. Nag suot na ako ng seatbelt ko ng marinig na ipina init muna ni ate ang makina ng bmw niya, isa si ate sa mga hinahangaan ko hindi siya yung tipo ng babae na maloloko mo lang makikita sa lahat ng aspeto ng katawan at galaw niya na matalino siya bukod doon sobrang ganda niya hindi ko tuloy maiwasan ang mainggit sakanya.
"You're going to treat me because of this" aniya
Nag pigil ako ng ngiti sa sinabi niya dahil nakuha pa niyang manghingi ng libre kahit siya naman ang may trabaho, patuloy pa din siya sa pag mamaneho kaya hindi niya nakikitang nag pipigil ako.
"Sure pag naka graduate na ako, I'll treat you whatever you want ate"
"Good then. Malapit na tayo tingnan mo na kung ano pang maiiwan mong gamit diyan ayoko ng bumalik"
May halong pag susungit pero ayaw niya lang ipahalata na nag aalala din siya na baka may maiwan ako, ginawa ko naman ang sinabi ni ate at nakita ko naman na kumpleto lahat ng gamit ko sa bag. Sabi kasi nila ate jayne sa isang hotel na lang kami ng polilio mag aayos at yun ay sa balesin, ala sais pa lang kasi ng umaga kaya mahaba haba pang oras ang pag aayos namin doon.
"We're here" ani ate
"Thanks ate, take care!"
Pipihit na sana ako palabas ng sasakyan ng pigilan ako ni ate sa kamay.
"Percy take care of yourself dagat yun remember"
"Of course ate mag ingat ka din"
Nakaka panibago ng biglaang pag papa alala sakin si ate bumait kasi sa tono ng pag sasalita niya parang iba ang gusto niyang sabihin. Inisantabi ko ang nangyari at nakitang nag hihintay na sila ate jayne kasama ang mag kambal at si nellie. Hinalughog ko kung kasabay ba namin sila dave at klinton pero hindi ko sila nakita

BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Teen FictionSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...