Hindi magka mayaw ang pusong sabik na sabik sa kanyang pag halik kaya ng biglang nag bukas ang elevator. Napatayo ako ng maayos na baka may taong makakita at di ko iaasahan na sa pwesto naming iyon pa biglang mag bubukas yung elevator, samantalang naka hawak na si klinton sa beywang ko na hindi ko na pinansin dahil sa gulat na nakatayong bulto sa harap namin.
"Klinton house, sa dalampasigan at ngayon naman sa elevator. Wala ka na atang pinipiling lugar percy." sabi ni akhira na may tunong pang aasar at mala tagumpay na ngiti ang ipinakita niya sa akin, ni walang umimik sa amin ni klinton sa mga sandaling iyon. May halong inis akong inalis ang kamay niyang kanina pa naka hawak sa akin dahil hindi niya manlang nakuhang mag bigay ng alibi gayong nahuli kami ngayon ni akhira na nag hahalikan.
"Nice job klinton" iniwan kami ni akhira doon na agad namang mabilis akong hinila ni klinton papa labas ng elevator, hindi ko namalayan na nasa floor na kami kung saan nandito ang kwarto namin ni ate jayne. Habang hawak hawak niya ang mga kamay ko para dalhin sa unit na iyon hindi matanggap ng isip ko kung ano ang pinupunto ni akhira kanina.
Hindi na din nag abala pa na kausapin niya ako dahilan para makita ang mga mata niyang galit na kanina pa tinatago sa akin.
Ano nga bang ibig sabihin ni akhira?
Paulit ulit na tumatakbo ang tanong na iyan sa aking isipan hanggang sa namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng kwarto namin.
"Pumasok ka na"
"Klinton anong ibig sabi-"
"Pumasok ka na percy may aasikasuhin pa ako" naiirita niyang sabi sa akin
Nalilito ako kung papasok na ba ako dahil gusto ko pang malaman ang katotohanan ng madismayang ,walang balak sabihin sa akin ito ni klinton.
Hindi na niya ako hinintay pa na makapasok at tuluyan na lang niya akong tinalikudan.
Pakiramdam ko may hindi sila sinasabi sa akin , nakikita ko iyon sa mga kilos at galaw nila.
Pagka pasok ko sa kwarto nakita ko si ate jayne na nag aayos na. Alas kwatro na kami nakarating kanina kaya mamayang ala sais ang simula ng party ni nellie. Tulad ng oras sa birthday ni klinton noon.
"Mag ayos ka na susunduin ako ni toni mamaya , si dave?"
"Hindi ko alam"
Ni hindi nga lang din niya ako naalala dahil iba ang kasama niya, kung tutuusin ayoko munang makita si dave dahil mas lalo lang akong lalamunin ng konsensiya ko, idagdag pa na ilang beses na kaming nakita ni akhira na ganun ang sitwasyon ni klinton. Kung pwede lang na kausapin si akhira na wag ng makialam dahil gusto kong sa akin mang galing ang lahat ng gustong malaman ni dave .
Hindi ko na inaasahan na susunduin ako ni dave kahit masakit sa parte ko bilang girlfriend niya. Sino ba naman ako na mag demand at mag hangad pa kung alam ko sa sarili ko na may malaki akong pagkaka mali sakanya.
"Percy mauna na ako nandiyan na si toni" itinuro ni ate jayne ang pinto na sinasabing nasa labas na si toni, kinindatan ko na lang siya bilang goodluck kaya todo ngiti ang loka.
"Let's go?" Narinig kong tanong ni ate
"I'll wait her" para akong isang makina na biglang tumigil sa paggawa nang marinig ang isang pamilyar na boses.
Naka bukas pa kasi ang pinto dahil hindi pa tuluyang naka labas si ate jayne.
"She's inside, you know what to do" narinig ko ulit na sabi ni ate jayne.
BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Fiksi RemajaSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...