SOMEONE'S POV
Galing ako sa dalampasigan ng tamaan ako ng lamig ng simoy ng hangin kaya bumalik na lang ako ng hotel. Nag lalakad na ako sa hallway ngayon ng may narinig na nag tatalo, inisip kong sa hallway pa nila piniling mag away na hindi inaalala ang mga makaka kita sakanila.
Nag tago ako sa isang gilid para hindi nila agad makita ng mapansin kong kilala ko ang dalawang nag tatalo na parang aso't pusa. Hindi na ako magugulat dahil matagal na akong nag hihinala talaga sakanila.
"Hindi ako papayag na ganun na lang!" Sigaw ng lalaki mas na intriga ako ng umling ang babaeng iyon habang umiiyak na din
"Pero wala nang tayo!"
"Dahil mahal mo siya ganun? Paano ako? Paano naman ako?!"
"Matagal na tayong tapos!"
"Matagal na tayong tapos para sayo, kung ayaw mo pa din bumalik sakin. Itutuloy ko ang plano ko."
"Sige ituloy mo. tingnan natin kung sino ang mawawalan"
Pang hahamon nito sabay ang pag talikod sa kanya at nag simula ng maglakad papunta sa pwesto ko ng hindi sinasadyang mapa tingin sa akin bago ako lampasan lang sa kinaroroonan ko.Pinabayaan niyang marinig ko ang lahat?
Tiningnan ko ang lalaking kanina pa nag pipigil sa galit at pasalamat na lang ako dahil hindi niya ako nakitang narinig ang usapan nila, dahil kung nagka taon wala akong lakas ng loob para dumaan sakanyang harapan papunta sa kwarto ko.
Hindi ko maiwasan ang manginig sa sobrang kaba habang nag lalakad kahit malapit na ako sa kwarto ko, nasa likod ko siya at hindi ko alam kung nakita niya ako dahil kanina pa siya naka yuko.
"Everyone are insane" bulalas ko ng bumukas na ang pinto ng kwarto ko, nabawasan na din ang kabang kanina pa nararamdaman.
PERCY'S POV
Nahiga ako sa malambot kong kama na parang ilang taon kong hindi na higaan, grabe ang pagod na nararamdaman simula ng dumating kami dito sa infanta. Hapon na din kaya sa kwarto na lang ako namalagi gusto ko kasing makapag pahinga bago kumain.
Kahapon pa pala umuwi sila papa dahil mamaya na ang biyahe niya paalis papuntang new york.
"Eve" narinig kong tawag ni ate kate sa labas ng kwarto ko, tumayo ako at binuksan naman iyon
"Kakain na daw" tumango lang ako sakanya at isinarado na ang pinto, ayoko silang maka sabay kumain.
Ilang oras ang tinagal ko sa kwarto wala akong ginawa kundi ang magka likot lang sa cellphone ko, nag message ako kay dave kanina pero hanggang ngayon wala pa din aking natatanggap na mensahe niya.
Kagabi pa siya wala at hindi ko din siya nakita kanina ng umalis na ang lahat sa isla. Hindi din muna sumabay si ate nellie sa amin dahil may kausap siyang kliyente na nag bakasyon lang sa isla at nag kataong nakita siya doon kaya sinamantala na ni ate ang pagkaka taon na maka usap ito para sa negosyo.
"I'm not leaving"
nag tipon tipon kami sa sala kahit naiilang na maki harap sa kanila ay pinilit ko dahil may sasabihin dae na importante si papa.
"I want to be honest to you anak" tiningnan ako ni papa habang sinabi iyon "hindi nag ta-trabaho si papa sa ibang bansa, I'm a business man" lingid sa kaalaman ko na sa ibang bansa siya nag ta-trabaho dahil nga sa tinago nila sa akin ang lahat.
"Ang ate kate at ate nellie ay matagal ko ng kasama sa kompanya, pinag resign ko ang ate kate mo sa Philippine airline para sa kompanya dahil kailangan ko ng kanang kamay ay siya na ang kinuha ko" tumingin ako kay ate na naka yuko lang , alam kong pangarap ni ate maging isang flight attendant. Kaya ba nagagalit siya sa akin dahil isa sa mga dahilan ang hindi niya makuha ang pangarap niya? Na sa halip ako ang nasa pwesto kung nasaan siya ngayon?
BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Teen FictionSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...