CHAPTER 8

27 3 0
                                        

"Good morning po tita"

"Good morning percy!"

Imbis na bumeso sakin si tita ay niyakap niya ako, tiningnan lang ako ni nellie na pabayaan ko na lang ang pinapahiwatig

"Buti naman hindi mo binigo ang sinabi mong bibisatahin mo ako"

Ngumiti na lang ako dahil nahihiya din ako kahit papano, ito kasi ang pangalawang pag kikita namin ni tita. Nung bumisita sila sa bahay noon hindi na nasundan iyon kaya ganito na lang ang gulat ko ng sobra sobra ang saya ni tita ng makita ako.

Sabi ni nellie tumigil na si tita sa pag ta-trabaho niya sa sarili nilang kompanya sa maynila dahil nagka sakit ito.Kaya nag irreg student si nellie para kahit na sa walang pasok makapunta siya doon para tingnan ang iniwan sakanyang kompanya ng mama niya. Nakaka inggit dahil sa murang edad meron na siyang masasabi na pwedeng sumoporta sa lahat ng kailangan niya.

"Pasensya ka na kay mommy ah? Ganun lang talaga kasi yun"

"Ano ka ba ayos lang"

Pumunta kasi sa kusina si tita para kunin yung binake niya daw na cupcakes. Sobrang natuwa naman ako dahil nag bake pa talaga siya para sakin samantalang ako dapat ang mag bigay sakanya ng ganung bagay dahil binisita ko siya pero ako ngayon ang walang dala

"Ito na!" Masiglang bungad samin ni tita habang hawak hawak ang naka tray na cupcakes "Try it now percy. Im sure magusgustuhan mo yan" ng nailagay ni tita sa kamisita ang cupcakes hindi ko maiwasang humanga dahil ang ganda ng pag kaka gawa dito iba't ibang kulay kasi ang mga ito bawat isa. Mayroong pink, blue at violet

Kumuha ako ng isa na kulay violet at nailang dahil hinihintay talaga ni tita ang reaksyon ko sa ginawa niya nag thumbs up na lang ako ng nalasahan ang caramel flavor nito sa loob.

Pumalakpak si tita sa tuwa dahil nagustuhan ko ang ginawa niya nakangiti naman sakin si nellie habang kumuha na din ng sakanya. Hindi mapag kaka ilang mag ina sila dahil sobrang kamukha ni nellie si tita. Matangos ang ilong, sobrang puti at slim lang pwedeng maging model si nellie kung nagkataon dahil maganda talaga siya

"Percy alam mo bang may kapatid si nellie?" Umpisa ni tita habang kumakain pa din ako ng cupcake.Nataranta naman bigla si nellie kaya napasigaw nanaman siya sa biglaang sinabi ni tita

"Mom!"

Umiling iling siya para hindi na ituloy ni tita ang sasabihin pero hindi nakinig sakanya si tita, hindi ko alam kung bakit ayaw ipaalam ni nellie kaya mas lalo akong nagkaroon ng interes na malaman iyon.

"Ang pangalan niya is ev— evina kaso hindi namin siya kasama ngayon" nalungkot si tita ng sinabi niya iyon kaya tumigil ako sa pagkagat ng cupcake, nakaka bastos naman kung habang nag kukuwento siya patuloy pa din ako lalamon.

"Nasan po ba siya?"

"Kasama siya ni daddy" sagot naman ni nellie

"Nasan ba si daddy mo?" Hindi ko mapigilan mag tanong dahil sobrang lungkot ang nakita ko sakanilang dalawa

"Nasa ibang pamilya" mapait na ngiti ni nellie habang tuluyan ng umiyak si tita. Nagulat ako sa nangyari kaya lumapit ako kay tita para damayan siya at ganun na din ang ginawa ni nellie pero sakin yumakap ng mahigpit si tita na mas lalo kong ikinagulat.Ilang minuto siguro bago tumigil si tita kaya sinabi ni nellie na mag pahinga na muna siya sa kwarto niya.Nung una hindi pumayag si tita dahil nandito pa daw ako pero nang sinabi ko na hindi ako aalis agad hanggat hindi niya ulit ako nakikita ay agad naman siyang sumunod.

TRUTH ,LOVE AND LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon