Nagising nanaman ako sa panibaging araw na hindi alam kung bakit ang lungkot ng pakiramdam ko. Parang lalagnatin ako dahil sa pag babad namin kahapon sa dagat.
Masakit ang hita ko kaka langoy. Linggo ngayon gusto ko sana mag simba sa simbahan kung saan ako inimbita nila klinton at nellie noon kaya lang gusto kong kasama si nellie. Hindi kasi tulad ng ibang simbahan yun na hindi ka kikilalanin ,dahil bawat mag sisimba doon ay kilala nila.
"Mama wala nanaman si papa?"
Inaayos ko ang isang vase namin sa sala kumuha kasi si mama ng bulaklak na gumamela sa bakuran nila lola, ang daming bulaklak mayroon din naman mangilan ngilang rosas sa bakuran ni lola pero gumamela ang kinuha ni mama. May bigla tuloy akong naalala
"May kakausapin daw eh"
Hindi ko nilingon si mama na nakaupo lang dahil nakatingin pa din ako sa gumamela, nagandahan lang ulit ako dahil iba't ibang kulay mayroon ang gumamela may red,pink, yellow at puti.
"Ma bakit gumamela amg kinuha mo? May rosas naman sila lola"
Hindi ko mapigilan na magtanong kay mama dahil ngayon lang siya nag lagay ng gumamela sa vase.
"Wala pang namumulaklak sa rosas, kaya ayan na muna kinuha ko maganda din naman"
"Akala ko naman may ibig sabihin ang bawat kulay na kinuha niyo at talagang tig iisa pa ah"
Tinawanan ako ni mama at lumapit sakin sa pag aayos ng gumamela, inilagay niya sa gilid ng tainga ko ang isang puting gumamela dito, hindi na bago sakin ang lagyan ako ni mama ng bulaklak dahil madalas niyang ginagawa sakin iyon pag pumupunta kami o nakaka kuha siya ng bulaklak kay lola.
"Ang ganda sayo ng puti. Alam mo ba ibig sabihin ng mga kulay na ito?"
Hinawakan ni mama ang gumamelang hindi ko pa nailalagay sa vase.Umiling ako dahil wala naman akong alam sa bulaklak.
"Yang puti ay para sa kadalisayan, kagandahan ng isang babae kagaya mo" inirapan ko si mama dahil ngumiti siya ,parang hindi totoo.
"Niloloko mo lang ako mama eh" pagmamaktol ko na siya namang tinawanan niya. Nag salita ulit siya at sa di malaman na dahilan nag karoon ako ng interes sa mga ibig sabihin ng bulaklak.
"Hindi kita niloloko anak, look this hibiscus is really beautiful" hinawakan niya ang yellow na gumamela at nilagay niya din ng katulad sakin grabe ang ganda talaga ni mama " yellow hibiscus means for happiness, sunshine and good luck while this one....Pink is for friendship and love"
Tiningnan ko lahat ng sinasabi ni mama na kulay ngayon ko lang nalaman na hindi lang pala ordinaryong bulaklak ang gumamela, samantalang nilalampasan ko lang to kung saan saan at pinipitas pag nagustuhan.
"I thought red flower is the symbol of love?"
"Oo nga pero ang pink is for all types of love not just romantic love" tumayo na si mama para bumalik sa dati niyang kinauupuan, kinuha ko naman yung bulaklak sa tainga ko para ilagay sa vase.
"Eh anong symbol kung ganun ng red hibiscus mama?"
Tumingin ulit sakin si mama at nag taas ng kilay
"Love and passion"
Simpleng sagot niya hindi ko inaasahan na susundan pa ni mama ang sasabihin niya kaya natulala ako sakanya
"Binigyan ako ng papa mo ng puting hibiscus noon masaya ako dahil nakikita niya ang halaga ko.Kaya kung may mag bibigay sayo ng isang kulay na bulaklak ng hibiscus... Yun ang nararamdaman niya sayo"
BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Teen FictionSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...