Sabado ngayon napag usapan nila ate jayne,elton at tony na maligo kami sa dagat kaya pumayag na din ako para naman makapag liwaliw ako kahit manlang sa pag ligo ko sa dagat.
"Niyaya namin si dave" ani elton
"Ano? Bakit?!"
Akala ko naman wala ng asungot na kasama ngayon dahil is klinton hindi pwede may gagawin daw na importante sabi nila elton sakin kahit hindi ko naman tinatanong, mas nalungkot lang na hindi pa din nag papakita sakin si nellie hanggang ngayon, hindi din siya nag message sakin kahit si tita hindi nag abala na mag message sakin di ko maiwasan na mag alala kahit na alam kong safe siya.
"Wag ka mag alala hindi siya makaka punta, may gagawin din daw" ani elton
Naka hinga ako ng maluwag sa nalaman dahil sa wakas naman wala ng mag aabala sakin ngayon. Tiningnan ko ang dagat na sobrang linis at kulay asul na tubig mula sa kinauupuan ko na isang kubo dito malapit sa dalampasigan.
"Buti naman at di ka nag inarte na pumunta dito sa aplaya" untag sakin ni ate jayne na tinutukoy ang dagat , naliligo na ngayon sila elton at tony mamaya pa kami ni ate jayne dahil medyo may init pang konti mas masarap kasing maligo pag pahapon na.
"Isa to sa mga paborito ko sa infanta ang dagat bakit naman ako hindi papayag?" Ngumiti ako kay ate jayne at pumikit bigla ng maramdaman ang masarap na simoy ng hangin, iba talaga ang amoy ng dagat hindi ko alam kung bakit sa tuwing mapupunta ako dito ang gaan gaan ng pakiramdam ko.
"Akala ko lang naman, may pagka maarte ka din kasi" tinawanan ko siya dahil nailang pa na sabihin na maarte ako, tanggap ko na yung ugaling meron ako kaya di na mapag kakaila sa iba iyon
"Maarte ako pero gusto ko din naman mag langoy"
Nagtawanan lang kami ni ate jayne ng nagulat kaming hinila kami pareho ng magkambal
"Teka! Mamaya pa kami!" Sigaw ko dahil nakahawak na sa braso ko si elton, tumatawa sila habang patuloy kaming pinag hihila ni ate jayne papunta sa tubig dagat
"Maliligo na din lang kayo bakit hindi pa lang ngayon?" Untag naman ni tony
"Sandali laang naman!" Ani ate jayne
Hindi na kami nakawala sa magkambal at masaya nila kaming hinila at tinulak sa tubig, nag tawanan lang kami ng makainom si ate jayne ng konting tubig dagat
"Walang hiya talaga kayong dalawa"
"Jayne mahirap mag habulan dito sa tubig dun tayo sa hindi" ani tony
Namula naman si ate jayne sa sinabi ni tony kaya tinapunan niya ito ng tubig gamit ang kamay , atsaka sila nag palitan ng pagtapon sa tubig. Ayoko sumali dahil masakit sa balat yung ginagawa nila para kasing pumapatak yung tubig sayo na parang may kasamang palo.
Hindi ko alam kung anong trip ni elton dahil sumisid siya ng pag ka tagal tagal sa ilalim ng tubig kaya umiwas ako ng bahagya sa pinag sisidan niya, hanggang dibdib lang din kasi natakot kami ni ate jayne na pumunta sa parteng malalim , pag ganito kasing hapon nag high tide na kaya kung mababaw sa tayo namin ngayon mga ilang minuto lang baka lampas tao na ito.
"Gotcha!" Sigaw ni elton ng maka ahon sa pag sisid
"Laro tayo! Kung sino makahanap ng puting bato na to sa ilalim ng tubig siya ang ililibre ng inihaw na isdang tulingan" nanlaki ang mga mata namin dahil sa kondisyon ni elton, kaya pala sumisid siya para maghanao ng puting puting bato sa ilalim ng tubig. Masarap at malaki ang isdang tulingan kung tatawagin sa maynila ay tuna.
![](https://img.wattpad.com/cover/222792346-288-k716289.jpg)
BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Teen FictionSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...