CHAPTER 15

20 2 0
                                    

Matapos ng pag uusap namin ni dave hindi na iyon nasundan pa dahil dumating na din sila elton, tony at nellie.

"Nellie what's your plan to your upcoming birthday celebration? Magkasunod lang kayo ni klinton ah"

Napatingin kaming lahat kay nellie na ngayon ay malawak ang ngiting ibinigay sa aming lahat, ang saya niyang tingnan sa sandaling nabanggit ni elton ang kanyang kaarawan

"Im planning na dito na lang din besides i have lots of memories here"

"I see" ani dave

Napatingin sakanya si nellie halata sa mukha ni nito na na nagulat siya sa biglaang pag sasalita ni dave, simula kasi ng dumating sila ngayon lang ulit nag salita si dave.

"You see huh?" Sarkastik namang tanong ni nellie,

Lahat kami ng naka palibot sa table hindi namin alam kung paano aalisin ang tensyon sa dalawa alam kong nasasaktan si nellie kapag nakikita niya si dave dahil sa ginawa niya dito noon kaya hinila ko ang kamay ni dave kasabay ng pagtayo ko, napatingin sa akin ang lahat pero hindi ko iyon ipinag bahala na yayain na lumabas muna kami ni dave.

Tumayo si dave at nag patianod na lang sa akin habang hawak ko ang kamay niya, naramdaman kong hinawakan niya na din ang kamay ko pabalik at hinayaan ko na lang siya ako din naman ang unang gumaaa nito kaya wala na sa isip ko ang tumanggi pa sa ginawa niya.

Hindi pa kami nakakalabas ng main door sa venue ng biglang nag salita ang emcee

"Let's all welcome our celebrant, the one and only son of Mr and Mrs Montague.Mr Klinton Howard Montague"

Nakatalikod kaming pareho ni dave kaya hindi namin nakitang nandiyan na pala si klinton. Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa mini stage ng party na sapat lang para makita ng nandoon ang lahat ng kanyang bisita.

Pareho na kaming naka tingin ni dave sa stage nakipag kamay si klinton sa emcee at ngumiti dito. Nang mag sasalita na siya sa di sinasadyang mapatingin sa gilid kung saan nandoon kami ni dave,

Tumingin siya sakin at pababa sa mga kamay namin ni dave na hanggang ngayon ay magka hawak pa din, pasalamat ako dahil hindi na mahigpit ang pagkaka hawak ni dave sa kamay ko kaya agad ko iyong natanggal. Umiling si klinton sakin at kitang kita ko ang pagka dismaya sa mukha niya kinabahan ako sa paraan ng pag iling niya, inalis na niya ang tingin sakin kaya naka hinga na din ako ng maluwag dahil kanina ko pa pinipigilan ang kaba na nagiging dulot ng takot.

"Good evening everyone! Hope you'll enjoy this party!" Ngumiti siya sa mga bisita niya at nag sigawan naman ang mga tao, karamihan dito mga kaklase nila sa maynila noong high school at ang iba naman ngayon sa college, nakaka hanga na nag abala silang pumunta dito sa quezon para lang sa birthday ni klinton.

Nag si upuan ang lahat matapos palakpakan si klinton kaya ng mapag tanto kong nananatili kaming nakatayo ni dave kaya hinila ko na lang ulit siya pabalik sa table namin, hindi ko alam kung kailan ko pa nagawang mag lakas loob na bigla na lang hawakan ang kamay ng isang tao, wala akong naramdamang hiya ng hinawakan ko ang kamay ni dave naramdaman ko ang pagiging kumportable sa paraan ng pag tugon niya sa kamay ko kahit ako mismo ang humihila sakanya papunta sa kinauupuan namin kanina.

"Akala ko ba lalabas tayo?" Tanong ni dave sa akin habang papalapit na kami sa pwesto ng mga kasama namin

"Mamaya na nandiyan na si klinton"

Hindi ko na lang pinansin ang pag buntong hininga niya dahil parang nawalan ako sa ulirat ng maalalang nakita ni klinton ang kamay namin ni dave at di ko makalimutan ang nakitang pagka dismaya sakanya.

TRUTH ,LOVE AND LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon