"You know clarins?" Baling na tanong ni ate nellie kay ate jayne
"Yup. Nakauwi na ba siya?" hindi ko kilala yung pinag uusapan nila kaya nanahimik na lang ako sa gilid para makinig dahil wala din naman akong magawa
"She's engaged, ang lucky ng guy to have her" parang sinadya ni ate na lakasan ang pagkaka sabi dahil maging mga lalaki ay naagaw ang atensyon mas lalo na si elton na parang tumigil ang mundong naka tingin ng lutang kay ate nellie.
"She's engaged" pang uulit ni ate habang naka ngisi kay elton, iba ang epekto nito sakanya dahil nag iba ang timpla ng mukha nito habang ibibalik ang sarili sa pag lalaro. Bahagyang tunawa sila ate ng makita ang reaksyon ni elton samantalang ako naman naka tingin lang sa kanila dahil hindi ko maintindihan.Ilang sandaling katahimikan ang nabuo
"Where's klinton?" utamatikong tumingin ako kay ate ng mag tanong siya, itinuro naman ni ate jayne ang pinto na sinasabing lumabas.
"Bakit lumabas ang isang yun? Umuulan na" nagugulat akong napa silip sa malapit na bintana ng makitang malakas na ang ulan at hindi pa bumabalik si klinton sa loob ng bahay.
"Nakakita ng pangit na palabas" natatawang sagot naman ni ate jayne, buti na lang hindi iyon napansin ng mga lalaki dahil abala na ang mga ito mag laro sa kani kanilang cellphone.
"Ate may payong ka ba diyan?" tanong ko kay ate nellie habang kumakain kami ng cookies na niluto ni mama para sa amin. Kaya pala wala si ate kanina ay sinundo niya ang mga ito para mag bonding dito sa bahay, ang nakaka pag taka nagawa niyang ayain si dave na dati ayaw niyang makita.
"Meron bakit lalabas ka ba?" Nag tatakang tanong sa akin ni ate tumango na lang ako bilang sagot, tumayo naman siya para kumuha agad ng payong
"Iisa lang payong na nabili ko eh" ani ate nellie, na parang alam kung anong isasadya ko sa labas.
"Sige ok lang ate, dito na muna kayo may susundan lang ako" tinanguan lang ako ng dalawa at hindi na ako nag paalam sa mga lalaki baka pigilan lang ako ni dave kung nagka taon.
Lumabas ako ng bahay at tiningnan muna kung nasa gilid ng pool si klinton ,pero hindi ko siya nakita doon maging sa garden ay wala siya kaya napilitan akong lumabas ng gate para mahanap siya, sobrang lakas ng hangin at ulan kaya mabilis akong nilamig dahil sa suot na sobrang nipis.
Ilanh bahay pa ang nalampasan ko ng hindi makita si klinton, nainis ako sa sariling naiisip na kung hindi ko ginawa ang kanina ay hindi ako nag papa kahirap na hanapin siya ngayon sa gitna ng malakas na ulan.
Kahit may payong ako hindi maiwasan na mabasa pa din ang braso at likod ko dahil sa lakas ng hampas ng hangin ay nadadala ang payong ko kasama ako.
Nakaka inis lang din na walang pakundangang dumaan ang mga sasakyan na parang walang taong mababasa sa pag daan nila hindi din tuloy maiwasa na matalsikan ako ng ng ilang tubig galing sa kalsada
"Nasan ka na ba klinton?"
Naka layo na ako sa bahay pero walang anino ni klinton ang nakikita ko ng biglang may makitang isang mapunong lugar na may isang silungan na pwedeng tambayan ng kung sinong sisilong dito, kahit natatakot ay pinalakas ko ang loob kong pumunta sa mapunong iyon para lang mahanap si klinton, hindi ko alam kung ano bang pumasok sa utak kong bigla na lang siyang sundan.
Habang papa lapit may lalaki akong nakitang naka talikod banda sakin, at hindi ako nag kaka maling si klinton ang taong iyon.
"Bakit ka lumabas?" napa pitlag ako sa gulat ng bigla siyang mag salita, napaka lakas naman ng pakiramdam niya dahil alam na niya agad kung sino ang nasa likod niya.
BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Teen FictionSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...