Nakita ko ang takot sa mukha ng maid na pinangaralan ko kaya nginitian ko siya para hindi na siya mailang sa akin.
"Wag ka mag alala hindi naman ako galit. At hindi mo pa sinasagot ang tanong ko" ang naka tungo niyang ulo kanina ay naiangat niya agad nang masabing hindi ako nagagalit.
"18 years old pa laang po ako" nagulat akong tiningnan siya dahil mas matanda pa ako sakanya ngunit mas matanda ang mukha niya kaysa sa akin " maagang na stress dahil maagang nag asawa" tumango tango na lang ako dahil marami na talaga ngayon ang nakakapag asawa nang maaga at hindi na iyon bago sa akin. Kaya hindi ko siya magagawang husgahan kung iyon ang naging kapalaran niya.
"Tawagin mo na lang akong ate, naiilang ako sa ma'am na tawag. Just free to talk to me. Nasan ang anak mo?" tanong ko ulit. Dahil sa nakikita kong pag hihirap nila sa trabaho ay nakaka awang wala siyang panahon makita ang anak niya.
"Nasa nanay ko po siya muna ang pansamantalang nag aalaga" natapos na siyang lutuin ang curry kaya nilagay na lang muna niya ito sa isang Tupperware. Nag simula naman akong mag luto nang itlog na may keso.
"Every sunday ay dalhin mo dito ang anak mo" suhestiyon ko
"Po? Pero ma'am-ay ate. kakagalitan po ako ni ma'am nellie pag nalamang nag aalaga ako nang anak ko at mapapabayaan ko ang trabaho ko"
"Hindi naman ikaw ang mag aalaga kundi ako." kung makikita nang iba ang reaksyon niya ay matatawa sila dahil sa di niya inaasahang sasabihin ko. Gusto ko lang nang mapag lilibangan at ayoko naman na lumabas pa ako nang bahay para lang mag hanap nang mag papasaya sa akin. Gusto kong mapalayo sa problema at kailangan ko nang mapag kaka abalahan.
"Pero-"
"I insist. Hintayin ko ang baby mo next sunday" matapos kong naluto ang inilagay ko sa isang platito ang itlog na naluto at dinala papunta sa kwarto. Maliligo na ako dahil maaga ang pasok ko ngayon. Parang nabuhayan ako nang kaluluwa na may baby na madadala dito sa bahay.
Natapos ko na ang pag aayos, kaya dali dali na akong bumaba dahil nag hihintay na ang taga hatid ko sa school. Madalas na ganito na lang ang routine ko simula nang tumira ako dito, madalas din na hindi ko nakikita si mama dahil parang lagi na lang din ito sa kwarto niya.
Minsan naiiisip ko kung ano ba mayroon sa kwarto nila at lagi na lang silang naka kulong.
Nakarating ako nang school nang nagkaka gulo ang lahat,parang nag pupuntahan ang mga ito sa guidance office. Napailing na lang ako dahil malamang ay nakiki chismis na nanaman ang mga ito.
Malapit na ako sa classroom ko nang biglang may humarang sa dadaanan ko, kaso ay halatang mas bata ito keysa sa akin.
"Ate percy napaaway po si ate jayne" turo nito sa mga kumpulan papuntang guidance, karipas ako nang takbong pumunta sa umpukan. Halos tapat lang ito nang guidance kaya hindi nakakapag takang makikita agad sila doon na nag aaway.
Nakita ko si ate jayne na nakatayo at may kalmot sa braso idagdag pa ang buhok na gulo-gulo. Habang ang isang babae naman ay naka upo habang ang ilang braso ay mas maraming kalmot.
"Ate jayne!" Dinulugan ko si ate jayne at laking gulat kong nakita na ang babaeng kaaway niya ay si akhira.
"Anong nangyari?" Hindi nag atubiling nag salita si ate jayne at nanatili lang silang nag tatagisan nang tingin ni akhira.
"Look who's here?" Sarkastik na sabi ni akhira habang tumayo at inayos ang sarili. "Akala mo ba ay ikaw lang ang dapat mag pa ikot?" napahawak ako sa braso ni ate nang maramdaman kong matutumba siya sa pag aalala ay hindi ko ipinahalata na naapektuhan ako sa sinabi ni akhira.
BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Roman pour AdolescentsSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...