CHAPTER 6

19 2 0
                                    

"Percy hindi pwede, baka ano pang mangyari sayo-"

"Nellie i know. Im doing this for you"

Nag lalakad ako ngayon papunta sa paradahan ng sasakyan papunta kila dave.Saturday kasi ngayon at ngayon din ang araw na mag iinterview kami sa mommy ni dave,ng makita ko si nellie sa tapat ng bahay namin nagtaka ako kung bakit siya nandoon,yun pala ay sinabi ni klinton ang balak ko kaya ngayon kinukumbinsi niya akong wag ng ituloy gayong buo na ang desisyon ko.

"I know. I know. But percy.... Hindi mo na kailangan pang ipain ang sarili mo dahil lang sakin. Besides ok na ako"

"Hindi ka ok nellie. Hindi ko ginagawang pain ang sarili ko at kahit kailan hindi ako magiging pain"

Patuloy kang ako sa paglalakad habang sinusundan niya pa din ako hanggang sa makarating kami sa paradahan, hindi ako maka paniwalang iniwan niya ang kotse niya sa harap ng bahay at nakisabay maglakad sakin.

"Just please.... Hindi mo kilala si dave kung nagawa niya sakin magagawa niya din sayo"

Pag mamakaawa niya sakin na hindi ko naman pinansin. Tumango na lang ako sakanya at sumakay na ng tricycle, iniwan ko siyang nakatayo doon at di makapaniwala sa ginawa kong pag iwan sakanya doon.

Kailangan mo ito nellie... Alam ko na hindi ka ok kaya gagawin ko to.

Aalamin ko ang lahat at sa oras na nalaman ko ang rason ni dave kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon... Bahala na

Nag arkila ako ng tricycle dahil sa kabilang bayan pa nakatira sila dave base kasi sa binigay ni ate jayne na address ay sa nakar iyon.Naiirita lang ako dahil sobrang bagal ng tricycle na nasakyan ko dahil hindi lang ata matanda ang may ari pati na din ang sasakyan,sa layo ng nakar nakarating kami sa loob ng 20 minutes halos mag init na ang puwet ko sa pagkaka upo. Buti na lang nalilibang ako sa mga tanawin mayroon din kasing mahabang tulay dito sa sobrang haba at taas makikita mo ang bukana ng dagat, dahil ang tubig sa ilalim ng tulay ay magka halong tubig dagat at tubig tabang, sobrang ganda at nakaka ginhawa sa pakiramdam


"Dito baga iyon?" Tanong sakin ni tatang ng itinigil niya sa malaking bahay at may pulang gate ang kanyanh tricycle

"Opo. Ito po ang bayad" ibinigay ko kay tatang ang bayad ng tinanggihan niya ito

"Hindi na. Diba ga't ikaw yung anak nila amira at joshua?" Tanong ulit sa akin ni tatang kaya tumango na lang ako habang inaabot pa din ang bayad sakanya

"Sige na ho. Kunin niyo at ng ako'y makapasok na"  naiilang man sa puntong infanta dahil hindi naman kami ganto mag usap sa bahay, minsan napag kakamalan pa akong taga maynila dahil wala daw akong puntong infanta kahit ang katotohanan dito na ako lumaki

"Aba'y huwag na. Nakiy mas kakailanganin mo pa nga iyan mamaya.oh sige at ako'y aalis na"

Nang pumadyak si tatang para gumana ang makina ng tricycle ay agad ko siyang pinigilan dahil sa layo ng nakar kailangan niya din nag pang gasolina. Nakakahiya din dahil matanda na siya kailangan niya ng mapag kikitaan.

"Tatang kunin niyo na ho ito at wala kayong pang gas na'y an mamaya"

Ngumiti siya sa akin at nag aalangang inabot ang pera, kailangan lang pala na idahilan ang pang gas

"Hindi ko sana kukunin ay mapilit ka laang. Kaibigan ta naman ng mama mo ang anak ko kaya apo na din kita"

TRUTH ,LOVE AND LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon