Nanginginig akong lumapit sa kanilang dalawa dahil hindi ko na alam ang nararamdaman ko sa sobrang pagkadiri sa ginawa nila sakin. Gusto kong manakit ng sandamakmak na tao para malaman din nila kung gaano masaktan ng ganito.Hindi maganda ang naiisip ko ngayon lalo na at napapaligiran ako ng mga taong manloloko.
Patuloy na dumadaloy ang luha ko sa mukha ko at paulit ulit ko itong pinupunasan bago ginawa ang kanina ko pang gustong gawin sakanya
PAK
"Percy alam mo naman na walang kasalanan si nellie sa nangyari"
"Klinton! Wag mo na siya ipag tanggol dahil pare pareho lang ninyo akong niloko!"
Hindi ko papalampasin ang ginawa nila sa akin. May hangganan ang lahat. Nakita kong nag pahid ng luha si nellie at humarap ito sa akin
"P-percy. I didn't mean all of these kung anong namamagitan sa inyo ni-"
"Wala kang karapatan na mag salita nellie. After all this time! I trusted you!"
Natahimik silang lahat sa sinabi ko dahil punong puno na ako pinilit kong manahimik sa sarili kong mga hinala at pina isang tabi ang lahat ngunit mapag laro ang tadhana hinayaan niyang kusang lumabas ang katotohanan sa di ko inaasahang oras at panahon pero huli na dahil naibigay ko na... Naibigay ko na... Sobra sobra ang sakit sa puso ko dahilan ng buong katawan ko ay mamanhid na sa halo halong nararamdaman ko.
Pinahid ko ang luha na dumaloy sa aking pisngi at pinilit tumayo ng maayos sa harap nila, pinilit kong hindi ipahalata na sobra akong nasasaktan pinakita ko na kaya ko kahit may ginawa silang kalokohan malakas ako, kaya ko na wala sila, kaya ko ng hindi sila nakakasama at kaya ko alagaan ang sarili ko ng walang tulong na mang gagaling sakanila at isa pa hindi ko kayang mag karoon ng mga kaibigang nag taksil at patuloy na pinapa ikot ang mundo ko sa kasinungalingan.
Lumagpas ang paningin ko sa likod ni nellie... At pinilit na nginitian siya kahit sobra sobrang sakit ang dinulot nito sakin ay hindi mawawala ang pag mamahal na inipon ko para sakanya. Pinipilit kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi totoo ang lahat ng nangyayari dahil ang totoo ako yung mahal niya, ako at hindi at babaeng nasa harap niya. Ako yun eh papanong naging siya?
Nagkamali ako akala ko mahal niya ako yun pala ako lang ang nag mamahal sa relasyong iniingatan ko.
"Masaya ka na din ba sa nagawa mo?"
Tumingin siya sa akin ng seryoso at nakita ko sa mga mata niya ang awa at pang hihingi ng tawad pero di ko siya kayang patawarin dahil sa ginawa niya sakin at kay ate galit ako sakanila pero hindi maalis ang pagiging magkapatid namin.
"Percy tama na! Tama na!"
"Hindi ako titigil nellie hanggat diko nakukuha ang gusto ko... Sa oras na tumapak ka ulit sa linya ng buhay ko baka di ako makapag pigil mapatay ko kayong dalawa dahil sa ginawa niyo"
Nanlaki ang mata nilang tiningnan ako na animoy hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Ano pa bang inaasahan nilang sasabihin ko? Hindi ako mag mamakaawa sakanya na bumalik sakin . Mag sama sama sila dahil diko na sila kailangan.
"Percy let us explain, iba ang nasa isip mo" hinawakan ni klinton ang kamay ko , tiningnan ko siya ng masama dahilan ng pag bitaw niya sa braso ko
"Ano? Paki ulit? Explain klinton? Saan ka pumulot ng lakas ng loob para sabihin na kaya mo pang mag explain sa panahong alam ko na ang lahat ng katotohanan?"
Tumawa ako ng nakakaloko at may halong sakit na tono.
"Sorry percy.... Sorry..."
Hindi ko siya sinagot sa halip ay nilingon ko silang isa isa at mas tinalasan ko ng tingin ang lalaking minahal ko na nasa likod ngayon ni nellie na nag sisilbing sandigan niya ngayon.
Ano wala ba siyang gagawin? Hindi ba siya mag mamakaawa na patawarin ko siya? Napaka lakas ng loob niyang walang masabi sa lahat ng kagagawan niya. Iniwasan niya ang titig ko sakanya at hinila si nellie para umalis na.
"Kung hindi din pala makapal ang mukha mo! Nakuha mo pang buntisin ang ate ko!"
Natigilan siya sa sinabi ko at dahan dahang tumingin sakin ng nag lalakihan niyang mga mata. Ano ka ngayon gulat ka ba? Ha!. Napaka walang kwenta ng taong to hindi ko na lang sana siya minahal. Natutup si nellie sa kinatatayuan at gulat na gulat sa mga sinasabi ko.
"Hindi ko alam ang pinag sasabi mo basta ang alam ko mahal ko si nellie"
Iniwan niya ako ng ganun lang? Walang nagawa ang lahat ng sinabi niya iyon maski ako hindi na nakayanan at tumakbo na lang paalis kung sang lugar andun ang lahat ng taong pinag katiwalaan ko .Iyak ako ng iyak hanggang sa makarating ako ng bahay at nakatulog sa kama ng di namamalayan.
"Hindi ako gaganti pero hindi ko din masasabing hindi ako makaka panakit"

BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Teen FictionSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...