Nakuha ko na ang toyo na hinahanap ko kaya pinuntahan ko na si elton sa linya ng mga gulay nang masilayan ko siya kung paano naka kunot ang noo habang hawak hawak ang isang pipino sa kaliwang kamay at sa kanang kamay naman ay isang patola.
Natatawa akong lumapit sa kanya para tulungan na siya.
"What's this?" Aniya habang naka tingin sa dalawang hawak na gulay
"Pipino at patola" sagot ko habang tinitingnan na ang iba pang gulay.
"I only knew is cucumber" naka ngiwi niyang sagot habang parang nandidiri sa mga hawak niya na tingnan ito.
"Ang tanda mo na elton pipino at patola lang hindi mo alam?"
"Not a big deal.mahalaga makakain" napatapal ako sa noo dahil sa sagot nita ay mas lalo akong nangon-somisyon nang makita ang push cart ng gulay na wala pa siyang nailalagay kahit ni isa dito.
"Sus ginoo. wala ka pang gulay na nailagay"
"This is your fault, ang sabi mo ay hanapin ko ang mga sangkap,hindi mo naman sinabing mag lagay ako sa cart"
Halos manlumo ako sa kinatatayuan ko dahil sa kauna unahang pagkaka taon naging kagimbal gimbal ang katalinuhan ni elton, akala ko naman ay naintindihan na niya ang sinabi ko kaya pala wala pang nailagay dahil hinanap niya lang ang gulay na sinasabi ko.
"Umalis ka na diyan bago ko pa maibuhos ang toyo sayo"
Kakamot kamot niyang ulo umalis sa harapan ng mga gulay at pinabayaan akong pumili doon.
Nakarating kami sa bahay nang pasado ala sais ng hapon halos maging lupaypay akong umupo sa sofa dahil sa kunsumisyon nanagyari kanina. Bagama't nag bibiro sa biyahe si elton pakiramdam ko may sumapi nanaman sa akin na katahimikan at hindi manlang nagawang tumawa dito.
"What's bothering you percy?" nag aalalang tanong ni elton
"Napagod lang ako" malamlam kong sagot sabay na pag higa sa sofa. Tahimik lang kami ni elton sa sala nang dumating sila mama at ate nellie.
"Bakit hindi niyo naman sinabi na uuwi na kayo? Atsaka..." tiningnan ni ate nellie nang palitan ni elton "bakit mag kasama kayo?" nag tataka nitong tanong, hindi pa man nakaka sagot ay pinagunahan na iyon ni elton.
"Percy wants to cook adobo, kaya sinamahan ko na siya mamili nang pang luto niya" alam kong hindi detelyado ang sinabi niya pero ayos na din iyon dahil nag sabi naman siya nang totoo... Na mag luluto ako ng adobo.
"Oh i see... Iwan ko na muna kayo mag papahinga lang ako saglit" ngumiti ako kay ate samantalang wala namang reaksyon si elton. Hindi ko na lang yun pinansin.
Hindi na din kami nagawang napansin ni mama dahil halata dun sakanya na pagod ito sa naging lakad namin. Siguro ay kailangan ko nang umpisahan mag luto ngayon para maaga din matapos.
"Bakit patatas lang? Diba may carrot din ang adobo?" Hinuhugasan ko ang ilang patatas na nabili namin habang nasa gilid ko naman si elton nanunuod kung paano lutuin ang adobo.
"Menudo yun elton, patatas lang ang nilalagay sa adobo." Tango nito na parang naintindihan ang aking sinabi
"Marunong ka din ba mag luto nang menudo?" Tinapunan ko siya ng tingin matapos kong hugasan ang mga ito.
BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Teen FictionSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...