CHAPTER 9

18 3 0
                                    

Nagising ako ng may pagkain sa isang tray malapit sa kama ko,may note na nakalagay kaya kinuha ko iyon para mabasa

"Eat your breakfast percy!"
-tita

Nag tootbrush muna ako bago kumain 10 am na pala napuyat kasi ako kagabi dahil namamahay ata ako.Mamaya na lang ako lalabas ng  kwarto pag katapos kong kumain sayang naman kung iiwan ko na lang to atsaka mukhang masarap din naman.

May kumatok sa kwartong tinulugan ko bago pa ako tumayo para pag buksan ay bumukas na ito,ngumiti siya sakin at ipinakita ang kanyang dalang damit.

"Percy heto nga pala yung damit, naalala ko kasi na wala kang dalang extra mong susuotin"

Inilipag ni nellie ang isang black dress na mala skirt ang ikli sa tabi ng kama.Tinitigan ko pa ito bago lingunin ulit si nellie

"Ah salamat nellie ah pasensya na din sa abala

"No problem. Hintayin kita sa baba"

Tumango lang ako dahil mayroon pang pagkain ang bibig ko, lumabas si nellie kaya nag madali na akong kumain nakakahiya naman kung pag hihintayin ko siya ng matagal alas onse na ng umaga kaya kailangan alas dose pa lang tapos na ako mag ayos, kahit ayoko ng dress ay wala akong choice kundi ang suotin to.

Ala una naman ang klase namin ni nellie.Sa bayan ng real kasi sila nakatira kaya mga kalahating oras siguro kami makakarating sa school, tiningnan ko ang sarili sa salamin na malaki sa loob ng kwarto hindi naman pala masama tingnan sakin yung damit dahil mas lalo akong pumuting tingnan sa damit, buti na lang hindi ako binigyan ng heels ni nellie ganun kasi siya manamit lagi naka dree at naka heels. Hindi ko kaya na tumagal sa pag lalakad suot suot ang napaka taas na sapatos

Lumabas na ako ng kwarto ng makita si tita na pababa na din ng hagdan,nginitian niya ako bago pa ako makapit sakanya

"You look good percy"

"Thanks po tita, atsaka salamat nga din po pala sa masarap sinigang na breakfast ko kanina"  panay lang ang tingin sakin ni tita ng bago ulit siya mag salita

"You're welcome. Papasok na ba kayo ni nellie?"

"Opo" nag patuloy na si tita na bumaba ng hagdan at ganun na din ang ginawa ko naka alalay ako sa isang kamay niya para sa pag baba namin, nakita ko naman si nellie na nakaupo sa sofa at may binabasang isang magazine. Nang napansin niyang nasa harap na niya kami ay atsaka niya lang kami tiningnan

"You're so beautiful percy, sabi na nga ba babagay sayo yan eh" naiilang man ako dahil tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa napansin niya ata na nahihiya ako kaya medyo tumawa siya at si tita

"Percy hindi mo kailangan mahiya. Dapat ipinapakita mo sa mga tao ang kagandahang binigay sayo ng panginoon" ani nellie

"Nellie naman nakakahiya kaya" bumungisngis muna siya bago mag paalam kay tita na papasok na kami

"Mom wag mo ng tingnan si Percy mas lalo lang siya mahihiya" pang lolokong sabi ni nellie dahil nakatitig lang sakin si tita

Mag ina nga sila pareho sila kung pano tumingin, kumilos at tumawa. Hindi mapag kakaila, napa iling na lang ako sa mga sinasabi ni nellie dahil naiilang na talaga ako sa suot ko paano kaya ako niyan mamaya sa school, pakiramdam ko ayoko na pumasok

"Nellie wag na lang kaya ako pumasok?" Nakasakay na kami ngayon sa van nila para ihatid kami sa school

"Ano ka ba percy iwanan mo na yang pagka mahiyain mo when it comes of wearing girly things" napakamot ako sa ulo ko dahil kung kanina nagandahan ako sa suot ko pero ngayon gusto ko na agad palitan, wala naman akong magawa dahil ayaw ni nellie na mag palit na muna ako dahil bagay naman daw sakin.

TRUTH ,LOVE AND LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon