Nakarating ako sa kwarto ng dala dala pa din ang pagka bigla sa ginawa ni dave, ala singko na ng hapon kaya napag desisyonan kong mag pa hinga na. Hindi ko nakita si mama at papa ngayon dito sa bahay maaring umalis nanaman siguro sila at hindi ko alam kung nasaan sila, nakakapag takang lagi silang wala sa bahay ngayon malapit ng umalis si papa. Wala din si ate palagay ko bumalik na siya sa maynila dahil isang araw lang naman lagi ang tinatagal niya dito sa infanta.
"Sa tingin mo maitatago natin sakanya ang lahat? Hindi pwede na ganito na lang tayo palagi na natatakot" nagising ang diwa ko sa nag sasalita, pakiramdam ko hindi pa nag tatagal ang tulog ko. Gumalaw ako at narinig kong napa singhap ang taong nag sasalita kanina.
"Mama?" Tumingin ako sakanilang dalawa ni papa na nasa loob ng kwarto ko ngayon" anong ginagawa niyo dito mama? Papa?" Hindi pa naka kilos agad si mama ng nag bigla na lang niya akong niyakap mula sa pag kakaupo ko sa kama
"Eve kahit anong mangyari pamilya tayo" nginitian ako ni mama habang nakayakap naman na sinabi iyon ni mama sa akin, kahit nalilito sa sinabi ni mama ay pinilit ko na lang intindihin dahil may mga oras din na ganito talaga si mama sa akin.
"Ofcourse mama may problema ba?" Kumalas na sakin sa pagkaka yakap sakin si at hinarap na ako nilang dalawa ni papa na nakaupo na din sa kama.
"Wala naman, madalas kasi na wala kami ng papa na miss lang kita" nakita ko ang pa simpleng pag pahid ni mama sa mata niya kaya hinawakan ko ang kamay niya samantalang hinahaplos ni papa ang likod ni mama bilang pag ayo dito.
"Miss ko na din po bonding natin mama, hayaan niyo sa bakasyon ko gagala na tayo" pampa lubag loob na sabi ko habang sinabayan naman ni papa ng pag tango
"Hon tara na ginising mo pa ang anak natin, sundan na lang kaya natin si percy" pag bibiro naman ni papa na siya ko namang inangilan
"Papa! Kadiri ka! Seriously sa harap ko pa?!" Tumawa si mama sa biglang pag dadabog ko tumayo na ako sa kama at naka pamewang na parang bata kung mag reklamo.
"Anak ayaw mo nun may kapatid ka na uli" ani papa na sinasabayan lang ni mama ng tawa dahil tumayo na din si papa.
"Ilan taon ka na ulit ma?!" Tanong ko habang naka kunot ang noo
"40 pa lang ako kahit sinasabi mong 50 na"
Napangiwi ako sa sarili dahil akala ko nasa 50's na si amma ganun na ba ako ka ulyanin? Pero ayoko pa din magkaroon ng kapatid, nakakainis lang dahil dati pa nila gusto na sundan ako malaki ang magiging agwat kung sakali na magkakaroon nga at ayoko na mag alaga lang habang buhay.
"Oh pa ligate ka na ikaw pa tiis tiis na lang sa new york ha?!"
Tumawa ulit si mama sa sinabi ko at si papa namang napakamot na lang sa sariling batok niya. Napagod na akong nakatayo kaya umupo na lang ulit ako sa kama at yumakap sa braso ni mama
"Ok ba yun sayo mama?" Bumungisngis ulit si mama na parang kinikilig sa ginawang reaksyon ni papa na naka simangot habang paupo na din sa kama ko
"Ayos lang sakin yun ay kung ayos din sa papa mo anak" pinan taasan ko si papa ng kilay dahil sa tono ng pananalita ni mama mukhang si papa naman ang gusto niyang asarin kaya naka kuha ako ng ideyang asarin lalo si pala.
"Hindi na kaya yan ni papa, mama mahina na yung tuhod" nag tawanan kami ni mama nagulat na lang kami ng bigla kaming dinamba ni papa sa higaan at dinaganan naipit kami ni mama at dahil dun nag sisigaw kaming dalawa na tumayo na si papa, hindi naman masakit ang ginawa ni papa sadyang mabigat lang siya. Kaya ng naka alis na siya sa pagkaka dagan sa amin dun na lang ulit kami napatawa ni mama. Panigurado na mamimiss ko ang bagay na ganito na kahit nag dadalaga na ako hindi nag kukulang bilang magulang sila mama at papa samin ni ate.
![](https://img.wattpad.com/cover/222792346-288-k716289.jpg)
BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Teen FictionSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...