CHAPTER 5

23 2 0
                                    

Pumasok ako sa school ng absent nanaman si nellie, sinabi niyang gusto niya muna mag pahinga dahil napagod daw siya mag alaga kay tita na nilagnat after nilang bumisita sa bahay, si klinton naman laging nahuhuli sa klase kaya parang lagi din akong mag isa

"Ano iniisip mo diyan?"

Napatalon ako sa sobrang gulat ng marinig ko ang boses niya ano nanaman kaya ang gusto nito, naiisip ko pa lang yung ginawa niya kay nellie gusto ko na siya sampalin

"Anong pakialam mo?"

Tumalikod ako ng pag kakaupo sakanya dahil tumabi nanaman siya sakin. Di ko maiwasan ang sarili na mandiri sakanya dahil nakuha niya pang lumapit sa kaibigan ng taong pinag samantalahan niya.

Narinig kong tumawa siya kaya tumayo ako para sana lumipat ng uupuan ng hinila niya ang kamay ko, nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na hampasin siya ng bag na hawak ng isang kamay ko

"BASTOS!"

tumawa lang ulit siya ako tinatahak ang paalis ng classroom ng maka salubong ko si klinton sa pinto

"What happened?" Pag aalala niyang tanong dahil hindi pa din nag babago amg ekspresyon kong galit, umiling lang ako dahil ayoko na makipag away pa si klinton dahil sakin, pero mukhang nalaman niya kung ano ang dahilan dahil dumeretso siya kay dave na nakangising nakaupo.

"Anong ginawa mo?"  Nag pipigil na galit ni klinton

"Chill dude. Nakaupo lang ako dito"

Umirap ako sa hangin dahil yun nanaman ang mapang asar niyang kilos at pananalita.

"Leave her alone" untag ni klinton na may halong pah babanta

Pinag titinginan na sila ngga kaklase namin kaya ako na mismo ang lumapit kay klinton

"Klinton tama na wala siyang ginawa"

Ngumisi ulit si dave bago ako balingan ng tingin, umayos naman ako ng tayo dahil sa takot na pag nasaan ako. Hindi niya ako masisisi dahil alam ko ang ginawa niya kay nellie.

Agad tumalikod si klinton habang hinila niya ako paupo sa tabi ng dati niyang upuan, halata sakanya na nag pipigil siya ng galit dahil sa namumula niyang tenga.

"Don't mind him klinton. Ok lang naman ako"

Tiningnan niya ako ng naka kunot ang noo

"Sa susunod dito ka na sa tabi ko maupo" sinabi niya iyon habang nag iiwas ng tingin sakin

"Pero-"

" Percy gawin mo na lang"

Napatango na lang ako dahil wala akong laban sa pagkaka bossy ng lalaking to. Pasalamat siya kaibigan ko siya

Dumating ang prof namin at nagbigay  ng gagawin by group, pinili ni sir ang magiging leader at nasa leader ang desisyon kung sino ang magiging ka group niya. Kasama si dave at klinton na pinili bilang reader kaya kinakabahan ako baka mapunta ako sa kabila dahil si dave ang mauunang pumili kasunod nun si klinton. Nakatayo silang limang leader  sa unahan para makita kung sino ang mga present sa amin para kunin nilang members.

"I choose Ms. Carmiento"

Napa pikit ako sa inis dahil alam ko na mangyayari ito. Isinulat ng secretary namin sa board kung simo ang nasabing ka group ni dave, may pinili pang isang babae si dave at dalawa pang lalaki. Nadismay si klinton dahil pinili ni dave ang ga matatalino sa klase ,kahit sana sa group na lang ako ni klinton.

TRUTH ,LOVE AND LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon