"Whatever," napapahiya kong sagot ng lampasan na niya ako.
Mula sa likod niya nakita kong napatigil siya. "Love can you open the gate please?"
Paano nga naman niya mabubuksan ang gate kung marami siyang hawak, dali-dali akong pumunta sa harap niya at binuksan ang gate.
"Oh, thanks love," nakangiti niyang sabi.
Napapailing na lang ako dahil nakakatwang makita siya na ganun kasaya at kaaliwalas ang mukha.
"Klinton pwede mo naman ilagay muna sa garahe yung sasakyan mo."
"Nah, if i place it to garage, I'm pretty sure I'm not gonna leave you tonight."
Gosh! Nakakailan ng banat na to sakin. Ano bang nakain niya at kanina pa niya ako pinakikilig o baka ako lang ang sadyang naaaapektuhan sa mga sinasabi niya?
"B-baka lang naman kasi mapano sa labas yung sasakyan mo."
Binuksan ko ang pintuan para makapasok na kami sa bahay.
"It's safe, marami naman nakaka kilala sa sasakyan ko."
Napatango na lang ako dahil hindi naman na nga bago na mag parke pa siya sa labas, nakita namin sila mama at papa na nasa sala, lumapit ako para bumeso at gan'on na din si Klinton.
"Good evening po tita, tito." naka ngiti niyang bati.
"Good evening- Eve bakit mo naman pinag buhat ng sandamakmak na bilihin itong si Klinton?" gulat na tanong ni mama, nakita niyang halos gumuhit na ang ugat ni Klinton sa sobrang bigat ng kanyang mga dala.
"I'm ok po tita," ani Klinton ng nakangiti.
Nilingon ko si papa na nakangiting nakatingin sa amin ni Klinton.
"Buti naman at pumunta ka na dito." ani papa
"Para po kay Percy."
"Sabi na nga ba at kayo ang magkaka tuluyan," nagagalak namang sabi ni mama, hindi ko alam pero kahit wala pa akong sinasabi sa kanila ng tungkol sa amin ni Dave, ay nalaman na agad nila na may namamagitan na sa amin ni Klinton.
"Mama-"
"Hindi po ako titigil hangga't di nakukuha ang anak niyo,"
Sobra na talaga, lahat ng kiliti ko ay kuhang-kuha niya sa mga salitang binibitawan niya. Ngiting-ngiti na sila mama at papa na nakangiti sa amin.
"Pupunta na kami sa kusina ma, pa."
"O sige, pupunta na kami sa kwarto ng papa, hinintay ka lang namin na makauwi."
"Opo ma."
Nang makarating sa kusina inilapag na ni Klinton sa lamesa lahat ng napamili namin, sobrang dami ng patatas para gawing adobo lahat.
"Klinton-"
"It's love not Klinton,"
Napapikit na lang ako sa sinabi niya.
"Ok love?"
"It's like you're awkward say it again,"
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko, hindi pa ako sanay.
"Magluluto na ako bahala ka diyan,"
Natatawa niya akong niyakap mula sa likod ko, napangiti na lang ako sa ginawa niya.
"I love you," aniya
"I love you too, pero kailangan ko ng mag luto."
Naramdaman ko ang pag amoy niya sa ulo ko, at hinalikan iyon bago niya alisin ang pagkaka yakap sa akin.

BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Teen FictionSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...