Napagod ako ngayong araw sa di malaman na dahilan kaya pagdating ko ng bahay nag linis at humilata agad ako dito sa kama ko, pinagalitan pa ako ni mama dahil di daw ako nag sabi na deretso pasok na ako.Nakalimutan ko din naman kasi kaya di na ako nag dahilan pa
Beep beep
tiningnan ko kung sino ang nag message gabing gabi na nakuha pa nitong mag message
"Still up?"
"Matutulog na"
Pagkatapos kong mag reply ay pumwesto na akong matutulog na sana ng nag ring ulit ang phone ko and this time tumatawag na siya
"Ano ba klinton matutulog na ako" antok na antok na kasi ako at hindi ko maiwasang mag sungit sa panahon na gusto kong mag pahinga.
"A-ah sorry goodnight" pinatay niya agad ang tawag bigla tuloy ako na konsensiya pero talagang inaantok na ako
"Percy hindi na ba natin ma interview ang ate mo?"
"Ate jayne sa ngayon kasi ayaw sagutin ni ate kate yung mga calls ko eh"
Problema talaga namin ito ngayon, tinawagan ko ulit si ate kanina pero hindi sinasagot nakakainis lang na kahit sa pag aaral ko hindi niya ako matulungan.
"Ayos lang naman kung hindi na pwede na edit na din naman yung video" ani dave
"So pwede na natin ipasa yan?" Tanong naman ni ate jayne
Micro perspective ang subject namin ngayon kung san yung interview ang ipinagawa samin kaya ito kami at nag tipon tipon nanaman by group. Hindi ko tuloy maiwasan ang mga tingin ni dave na dumadapo sa akin.
"Oo. Kami na ni percy ang mag susubmit mamaya" sabay ngisi nito
"Ano? Pwede naman kami na lang ni ate jayne"
"Ako nag edit nito kaya sasamahan mo ako"
Kainis ni hindi manlang ako tinulungan ni ate makumbinsi si dave.
"Ipasa na lang natin ngayon nandiyan naman si sir oh" kaso tulog, anong klaseng prof to natutulog sa kanyang klase kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa gusto ni dave at ang loko nag didiwang ngayon sa ngisi dahil wala akong nagawa
"Ate jayne hintayin mo ako mamaya sasabay ako sayo pauwi" nakalabas na kasi kami ng room at mag hihiwalay kami ni ate jayne dahil may ibang klase ako sa ibang section, bago pumunta doon ay sasamahan ko muna si dave sa prof namin
"Oo sige sige. Message me na laang haneh?"
Tango na lang ang naging sagot ko dahil hinila na ako ni dave
"Huy! Kaya ko maglakad mag isa bitawan mo ako" kung hindi lang naman siya pasaway mas hinigpitan niya ang hawak niya sa akin kakainis dahil pinag titinginan nanaman kami
Sila ba?
Omg bakit hawak hawak niya si percy?
Akala ko ba si nellie ang gusto ni dave?
Akala mo naman ang ganda niya
Isa isa ko silang tiningnan lahat bago kami makalampas sa kumpulan ng mga babae kung hindi lang ako hawak ni dave masasabunutan ko talaga yung mga yun ng malaman nila kung sinong binabangga nila
"Bakit kasi may pa hawak hawak pa" bulong ko ng makarating na kami sa faculty at hindi niya pa din binibitawan ang kamay ko pakiramdam ko tuloy pinag papawisan na to, kahit anong tanggal ko naman sa kamay ko habang nag lalakad kami hindi pa din niya binibitawan

BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Novela JuvenilSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...