Kahit excited na maibigay kay klinton ang magiging regalo para sakanya hindi pa din maalis ang pangambang baka nga siya ang ama ng magiging pamangkin ko, pero pilit itininataggi ng isip ko na baka isa lang iyong haka haka sa sarili dahil sa takot na baka hindi na mapa sakin ng tuluyan si klinton.Simula ng pumunta kami ni ate jayne sa mall hindi ko pa naiibigay ang regalo kay klinton, ilang araw na ang lumipas pero heto pa din ako at natatakot na maibigay sakanya.
Tapos na ang buong semester namin nakauwi na din ako sa bahay na kinalakihan ko sa bahay kung saan ilang linggo ko muna nakita at nauwian.
"Gusto mo bang pumunta ng maynila?" nag aayos ang ng gumamela sa kamisita ng dumating si papa sa likod ko.
"Hindi na muna papa, may aasikasuhin pa po ako dito"
Tinanguan lang ako ni papa, dahil matagal ko ng sinasabi noon na gusto ko maka punta sa maynila na hindi naman nila ginusto, samantalang ngayon ako naman ang tumatanggi.
"Kung tapos na ay sabihan mo lang ako, katatapos lang naman ng semester niyo kaya mahaba haba ang bakasyon mo" ani papa
"Opo papa"
Hindi ako sigurado kung maibibigay ko pa ba kay klinton yung pabango pero sana dalawin na ako nang kalakasan ng loob.
Sa lumipas na araw nandito lang ako sa bahay, madalas inaayos ko ang mga bulaklak sa harden ni mama salungat sa ginagawa ko sa malaking bahay na puro pag luluto ang inaatupag ko.
Siguro nga mas kumportable lang akong mangialam ng harden dito kesa doon dahil hindi ko alam kung magugustuhan ni mama nellia ang mga maaayos ko, gayong nalaman kung pareho sila ni ate nellie na mabilis mainis kahit sa maliit lamang na bagay.
Ganun talaga ang buhay kung kailan nakasama mo na sila sa iisang bahay ay dun mo pa lang malalaman ang totoo nilang kulay, kakaiba sa pakiki tungo nila sa akin noon na sabik na sabik sila. Dahil simula ng dumating ako doon parang mag isa lang din akong nakatira sa malaking bahay na mga isang minuto lang siguro makikita si mama sa sala o di kaya ay sa harden. Ganun din kay ate nellie dahil madalas naman siya sa maynila.
Habang lumilipas ang panahon mas maayos na akong nakatira sa simpleng bahay na ito dahil nandito lahat ang kwento ng buong pagka tao ko.
"Any plan for vacation?" naka ngiting tanong sa akin ni toni
"Nah-uh! Sa ngayon hindi pa ako maka alis ng Infanta"
"I see. Jayne and i have a plan to go in paris, baka lang naman maisabit kayo ni elton" nakangisi nitong pang aasar.
Dahil nga sa wala kaming magawa pare-pareho nagka yayaan na maligo ulit kami sa pangalawang pagkakataon dito sa dagat ng Infanta. Nakaka dismaya dahil wala nanaman si klinton.
"May balita na ba kay klinton?" Pag iiba ko ng usapan, kita ko ang reaksyon nila ng mabanggit ko ang pangalan nito parang hindi nila alam kung sasagot ba silang mag kambal dahil nag tinginan pa ito bago ulit ako tingnan.
"He's fine, bakit hindi ka pumunta sakanila? I'm sure mas lalong lalakas si klinton" ani elton
"Susubukan ko" hindi ako sigurado sa kutob ko kung bakit hanggang ngayon hindi pa pinapayagan na lumabas si klinton, hindi na din ako naka tanggap pa ng balita kay clarins. Siguro nga kailangan ko na siyanh puntahan.
"Sigurado kayong hindi kayo sasama ni elton sa paris?" Ani ate jayne habang kinakawag ang kamay para maka lutang sa tubig.
"Alam mo na sagot ko diyan" nakangiti kong sagot sabay na nag langoy paahon ng tubig, gabi na kaya kailangan ko ng umuwi baka magka sakit nanaman ako at hindi pa lalo maka dalaw kay klinton.

BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Novela JuvenilSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...