Pag dating ko sa kusina nakita ko si nellie na nakatulala habang nakaupo, tapos na din siya sa pagliligpit ng pinggan. Lumapit ako sa kanya na ikinagulat niya dahil nakatalikod ito sakin.
"Nellie tapos ka na pala bat di ka pa pumunta sa sala?"
"A-ah katatapos ko lang naman" nakita kong nag punas siya ng mukha niya at laking gulat ko na umiiyak pala siya
"Nellie ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?"
Agad akong kumuha ng tissue na nasa lamesa at iniabot sakanya pero hindi niya ito tinanggap dahil mas pinili niyang mag pahid ng luha gamit ang palad niya.Nag alala ako sa nakita ko dahil ito ang unang may nakita akong umiiyak sa harap ko na parang sobrang nasasaktan dahil din sa bigat ng pag iyak niya.
"Percy yan ba ang papa mo?"
Tinuro niya ang isang malaking family picture namin na malapit sa gilid ng hagdan papuntang kwarto kitang kita iyon sa kusina dahil sa sobrang laki, Nakaupo kaming lahat sa litrato nasa gilid si papa ni mama nasa gilid ko naman si ate kaya napapagitnaan kami sa isang malaking sofa ni mama.
"Oo nasa canada siya ofw" sagot ko naman sakanya, tumango tango siya at ngumiti ng pilit.
"B-buti ka pa may p-papa... Ako kasi iniwan niya" humagulgol siya ng iyak dahilan para yakapin ko siya hindi ko din kasi alam kung ano ang nangyari sa pamilya niya kaya tanging yakap lang ang naibigay ko sakanya para madamayan siya. Iyak pa din siya ng iyak habang kumalas sakin ng yakap.
"Sorry nag drama pa tuloy ako" ngumiti siya ulit at nag punas ng mukha.
"Ano ka ba we're friends. Ok lang sakin yan basta if you need me andito lang ako"
Tumango siya sakin at niyakap niya ulit ako ng mahigpit. Buti pa kami ni nellie ay ganito ang turingan parang magkapatid samantalang si ate lagi akong sinusungitan. Nag pasalamat siya sa akin dahil sa pagdamay ko daw sakanya wala lang naman iyon sakin dahil kaibigan ko na siya.
Pumunta na kami ni nellie sa sala at ang walang hiyang klinton nakatulog. Naka isip ako ng ideya na kuhanan namin siya ng litrato para pang asar pag nagising siya pero ito namang si nellie gustong maging wallpaper sa phone niya. Naka ilang kuha kami sakanya ng biglang nagising ito
"Huy!" Agad siyang bumangon at hinabol kaming dalawa ni nellie
"Klinton wala naman kaming nakunan eh!" Pangangatwiran ko habang nag hahabulan pa din kami sa sala tawa kami ng tawa ni nellie dahil hindi niya kami maabutan kahit maliit lang naman ang space ng sala namin
"Delete niyo yan, itong mga to parang ano!" Umupo siya sa sofa ng naka busangot kaya umupo na din kaming dalawa ni nellie na hingal na hingal kakatawa at kaka takbo. Nag hahabol din ng hininga si klinton ng tingnan ko naka kunot ang noo at nakatingin pa din sa cellphone ko. Umiling iling ako para sabihing wala talaga akong nakuha. Ngumuso naman siya na parang nag mamakaawa
"Huy nellie delete mo daw"
"A-anong? W-ala nga akong nakunan!" Namula siya habang sinasabi iyon samantalang ako tawa ng tawa dahil halos mamula na si klinton sa inis. Di nag tagal tumigil na si klinton samin dahil napaniwala din namin na wala kaming nakuhanan ni isang picture niya.Medyo gumagabi na kaya nag desisyon na din silang umuwi na at baka pagalitan pa si nellie ng mommy niya
"Percy bukas ha? Txt na lang kita" ani nellie
"Oks!" Kumaway ako sakanila habang papasakay na ng tricycle

BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Genç KurguSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...