"Papa!?"
Tumakbo ako para salubungin ng yakap si papa na ngayon ay nakaupo sa sofa. Katabi niya si mama at si ate kate naman ay nakaharap sakanila
"Papa bakit di mo sinabing dadating ka?"
Kumalas ako sa yakap naming dalawa at sobra ang ngiting binigay sakin ni papa at ganun din ako. Isang taon din kasi kaming hindi nagkita simula ng umalis si papa sobrang saya ko dahil buo nanaman kami.Hinaplos ni papa ang ulo ko bago mag salita
"Gusto ko kasi masurpresa ka.Dalaga na ang bunso ko" nakangiti nitong usal
"Sus si papa hayaan niyo wala naman nanliligaw sakin kayo pa din ang pinaka mamahal kong lalaki sa buhay ko."
Proud kong sinabi iyon at niyakap ulit si papa ,ngumiti naman si mama samin at si ate ayun halos tumirik ang mata kaka irap. Hindi niya talaga kayang maging mabait sakin? Napanguso ako sa naisip ko pero agad din akong tumayo,yakapin ko din sana si ate ng pigilan niya ako
"Papa si eve oh!" Sumbong niya kay papa na ngayon ay tumatawa na sa amin dahil sa pag iinarte ni ate. Pinilit ko siyang yakapin kahit nag pupumiglas siya ng maka dikit ako sakanyaat inis na inis siya ng nayakap ko soya dahil ayaw niya talaga na napapalapit ako sakanya. Tinawanan lang kami nila mama at papa kaya mas lalo siyang nainis dahil hindi nila ako pinigilan.Minsan may topak to mabait lang ng isang segundo tapos buong oras masungit ganun si ate at tanggap ko yun kahit magaspang ang kanyang ugali. Tinulak ako ni ate para maka distansya siya sa pagitan naming dalawa
"Kate hayaan mo na si eve, aalis ka din naman na sa makalawa" pangangatwiran ni papa
"Papa umalis man ako at di ko man siya makita lagi naman siya ang bukambibig niyo ni mama"
Pumawewang si ate sa amin bago tumalikod at nag lakad papunta sa kwarto niya. Pareho sila mama at papa nabuntong hinga kaya hinarap ko sila ng nakangiti, kahit alam kong may kirot sa aking puso na ganun na lang kadali kay ate mag bitaw ng salita na hindi niya alam kung maapektuhan ang sinabihan niya lalo na sa akin na mismong kapatid niya.
"Papa ang sungit talaga ni ate"
Tumawa ako dahil ayoko ipahalata sa kanila na nasaktan ako sa hindi pag babago ng ugali sakin ni ate. Dati pa lang ayaw niya na akong nakikita,nakakasalamuha kahit ang pag lalambing ko ay hindi umeepekto sakanya. Nagbibigay naman siya ng damit sakin kaya lang alam ko naman na ginagawa niya lang yun dahil sinasabi ni mama na bilhan ako. Iniisip ko pa lang na buong buhay kaming hindi magiging ganito ay manghihina na ako dahil dalawa lang naman kaming magkapatid pero hindi pa maayos ang samahan.
"Hayaan mo at kakausapin ko mamaya" sinabi ni mama iyon kay papa na kanina pa naka titig sakin. Tumango si papa bilang tugon kay mama atsaka naman ako umupo sa gitna nilang dalawa para mayakap ko sila.
"Eve kahit anong mangyari pamilya pa din tayo" tumango ako sa sinabi ni papa
Nalaman ko na 6 months ang leave ni papa dahil masyado daw toxic sa trabaho niya ayos na yun para masulit namin mag bonding hangga't nandito siya. Tinawagan ko si nellie para papuntahin dito sa bahay ng maipa kilala ko siya kay papa sinabihan ko na din si klinton para naman hindi na siya mag tampo na si nellie lang ang inanyayahan kong pumunta dito. Natutuwa ang dalawa dahil matitikman nanaman daw nila ang adobo ko, hindi na din masama kung yun ang kasabikan nila dito sa bahay.
Kinaumagahan ay agad akong nag ayos para pumasok ng school,nakita ko si papa na nasa kusina at kumakain na ng almusal
"Papa papasok na po ako"

BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Fiksi RemajaSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...