"At bakit hindi? Sa pagkaka alam ko magkaibigan lang kayo"
"Nililigawan ko siya at hindi ako makaka payag na may kahati ako"
Ano? Kailan ko naman naging manliligaw si klinton?.
Naglakad siya papunta samin at umupo sa katabing upuan ko, tiningnan ko siya ng nag tatanong pero hindi niya ako pinansin. Kahit kailan talaga lagi siyang sumisingit sa usapan ng iba lalo na at nakita niyang ako ang kausap, Walang emosyon akong tiningnan ni dave samantalang naguguluhan ako sa mga sinasabi nilang dalawa, pinabayaan ko lang sila mag usap dahil kahit umapela ako ngayon hindi nila ako papansinin dahil halos umapoy na ang kanilang mata sa titigan nila
"Nasayo na si nellie bakit hindi mo ipaubaya sakin si percy?"
Untag naman ni dave kay klinton na ngayong nakangisi na din
"Walang sinong babae ang pwedeng mapunta sayo dave"
Nag igting ang panga ni dave na kulang na lang sumigaw dahil nag sisilabasan ang ugat niya sa kamay sa pag pipigil na masuntok si klinton, hindi ko nagustuhan ang sinabi ni klinton pero hindi ko siya masisisi kung may hindi sila magandang nakaraan. Hindi ko na mapigilan ang sarili na hindi mag salita dahil ako naman ang pinag uusapan nila kaya may karapatan akong umayaw sa mga sinasabi nila.
"Wala ni kahit sa inyo ang pwedeng manligaw sakin"
Tumingin ang dalawa sakin ng hindi makapaniwala sa sinabi ko wala din naman silang magagawa kung ayaw ko. Tama si nellie mas mabuting wag ko na lang ituloy ang balak ko dahil lalo lang magkaka gulo ngayon pa lang na nag papalitan sila ng salita ay parang ni isa sakanila ay walang gustong sumuko. Totoo man o hindi na gusto nilang manligaw sakin hindi ko na lang sila papansinin para walang gulo lalo na kay dave
Tumayo ako at pumunta sa loob ng bahay nila dave,nakita ko si ate jayne nag aayos ng gamit niya kaya nilapitan ko siya
"Ate uuwi ka na ba? Sabay na tayo"
Tumingin siya sakin at umiling
"Ako'y hindi pa yayaon sabi ni dave kanina dito daw tayo mag dinner"
"Hindi pwede nag paalam ako kay mama na hanggang hapon lang ako"
At ayoko din abutan ng gabi dito
"Pano yan? Aba'y walang uuwi agad kita mo naman yang mga lalaki busy sa pag lalaro"
Tiningnan ko sila enlton at tony na nag lalaro pa din sa cellphone nila. May wifi kasi dito kaya hindi sila mapigilan na mag laro samantalang kami ni ate jayne walang magawa kundi ang manuod kaya nga lumabas ako kanina para mag liwaliw pero may mga asungot namang sumunod.
Lumapit ako kila tony at elton na ngayon ay nag mumurahan na dahil namatay daw sila sa laro. Lumapit naman si ate jayne kay tony kaya mas lalo nila kaming napansin
"Percy gusto mo mag laro?" Nakangiting alok ni elton
"Ano bang laro yan?"
Sinilip ko yung cellphone niya kung anong laro"Mobile legend. Download ka sa phone mo sama ka samin"
Inirapan ko siya dahil di ko naman alam lung pano mag laro nun.
"Tuturuan kita!" Singit naman ni tony
Himala ah namamansin silang dalawa, panay ang tingin lang din kasi ang ginagawa nila sa tuwing malalapit ako sakanila or makikita ako. Kambal sila kaya di magkaka layo ang ugali, si elton yung kasama noon ni klinton sa tindahan ng kwek kwek kaya medyo nahihiya pa ako sakanya dahil nakakahiya talaga yung agawan namin noon ng kwek kwek ni klinton.
BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Roman pour AdolescentsSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...