"Bakit ayaw mo ba na mag alaga nang sarili mong pamangkin?" nagtatakang tanong nito habang hawak ang isang kamay ng bata
"Kaya na ni ate yan, atsaka bata pa ako para maging isang ganap na ina" pag kuway akala ko hindi ako maiinis dahil sa biro ni mama
"Hindi ka naman manganganak" pag bibiro ulit nito kaya di ko lalo maiwasan ang mapanguso "i was just teasing you anak" tatawa tawa nanamang hinaplos ni mama ang ulo ko.
"Hintayin mo na lang ma na magka apo ka sakin" pag bibiro ko naman sakanya
"Ok I'll wait before i die" nagulat akong iyon ang sinabi ni mama akala ko pa naman ay katulad siya ni mama amira na magagalit. Bigla ko nanamang na miss si mama atsaka yung mga gumamela na nilalagay nya sa table. Simula nang umalis ako doon ay hindi pa ako nakaka bisita.
"Wag ka nga mag salita nang ganyan mama" pang aasik ko na ikinataaa nanaman niya
"Ok sorry. Nag bibiro lang ang mama"
Mga ilang sandali lang ay umakyat nanaman si mama sa papunta sa kwarto niya. Pag kunoy akala ko mag tatagal siya dito sa baba
"Maganda mood ni ma'am nellia" nakangiting singit ni mara nang mapadaan sa gawi ko
"Mag trabaho ka diyan chichismisan mo nanaman ako" natatawa ko sakanya awat, simula nang nag usap kami ni mara ay wala na siyang hiwat mag bigay ng mga chismis na kahit hindi ko kilala ay pinag sasabi sa akin, minsan naiinis na lang ako dahil kahit sa pag tigil ng pag kuda niya ay naririnig ko pa din ang parang echo nang boses niya. Wala din naman akong malibangan kaya todo tiis na lang ako sa ka chismosan nito dahil masaya din naman.
Lumipas ngayon ang araw ng pag aalaga lang ang inatupag ko,ngayon ko lang narealize kung paano nag hirap sa akin si mama amira na alagaan ako kahit hindi niya naman ako tunay na anak, bagkos ako pa ang dahilan kung bakit namatay ang dati niyang asawa.
May silbi din pala ang naisip kong pag aalaga na kahit nakaka pagod may natutunan din ako. Bago pumunta sa kwarto ay kumain na muna ako pinabayaan ko ng si mara ang mag alaga sa baby niya dahil uuwi din sila bukas ng umaga. Masyado nang gabi kung uuwi sila ngayon din.
"Ano to?" Tanong ko kay manang sa isang pang himagas na inilapag niya sa harap ko
"Tupig iyan. Dating iyan nang asawa ko galing pangasinan at naisipan na dalhan ako dito kaso ay hindi ko naman mauubos" paliwanag ni manang , mukhang masarap naman kaya nilatakan ko na agad ito.
"Sarap manang ah" naka thumbs up ko pang sabi na ikinatawa niya
"Akala ko ay magagalit ka din tulad ni nellie. Nung una ko kasing pinatikim sakanya iyan ay hindi niya nagustuhan" natigilan ako sa pag nguya nang malagkit na kinakain dahil pangalawang beses na ito na may hindi nagawang maganda sa kanila si ate. Nakaka curious kung bakit.
"Pag pasensyahan mo na lang manang baka nung binigyan mo siya ay nag lilihi na" pangagatwiran ko dito para hindi na niya isipin pa ang nangyari noon.
"Baka nga. hala sige kumain ka na diyan at mag lilinis pa ko ng kwarto namin"
"Sige po manang" masyadong masarap ang pang himagas na ito kaya mabilis ko ding naubos.
Ewan ko ba kung paano ko nakakalimutan nang panandalian ang problema ko kahit ang totoo gusto ko talagang kalimutan nang tuluyan pero sa tuwing wala akong kasama patuloy na ulit iyong tumatakbo sa isipan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/222792346-288-k716289.jpg)
BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Teen FictionSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...