CHAPTER 16

12 2 0
                                        

"Ano ba jayne hindi nga ako ang nag palit ng damit mo! Aray!"

Nakakatwang pinag bibintangan ni ate jayne si tony samantalang ako ang nag palit sakanya kagabi

"Ate jayne tama na-"

"Percy hayaan mo akong pag babatukan ko tong manyak na to"

Kaya hindi ko masabi na ako ang nag palit sakanya kasi kanina pa lang ng nasa hotel kami nag wala na ang loka loka at nag madaling mag ayos dahil pinag samantalahan daw siya ni tony. Sa tuwing mag sasalita naman ako lagi niyang pinuputol ang ending puno ng hampas at batok si tony.

"Sinabing hindi nga ako!" Hinaplos ni tony ang brasong namumula kaka palo ni ate, napangiwi na lang ako sa nangyayari ngayon

"Ate jayne kanina ko pa kasi talaga-"

"Percy hayaan mo ako sabi wag mo ipag tanggol si tony" pinag papalo niya pa din si tony hanggang sa sumigaw na ito

"Kung hahalayin kita gusto ko alam mo!"

Natigilan si ate jayne kaka hampas kaya tumawa na lang ako sa naging reaksyon niya, namumula na din siya habang nakatingin kaming lahat sakanilang dalawa. Nakasakay na kasi kami ulit ngayon ng yate ni klinton. Nakaka ilang dahil kasabay na namin siya ngayon, naiwan ang mommy niya sa balesin kaya kami lang ulit mag kakaibigan ang nakasakay ngayon dito.

"Ate jayne hindi ka kasi nakikinig eh" pinakalma ko ang sarili ko sa pagtawa dahil sa nakikitang pamumula ni ate at si tony namang pangisi ngisi na lang

"A-ano b-ba kasi i-yon?" Ani ate jayne na nakatingin sakin

"Ako ang nag palit ng damit mo"

"Ano?! Bakit ngayon mo lang-"

"Eh kasi di ka nga nakikinig, dika ba mag papasalamat ako ang nag palit?" Pang aasar ko naman sakanya na ngayon ay lumayo na kay tony at bumalik sa kinauupuan niya

"Ewan ko sayo wag mo ako kausapin"

Tinawanan ko lang siya ng napatingin ako sa gawi ni klinton, nahagip ng mata ko na nakatingin siya sakin. Katabi ko kasi ngayon si dave at magkaka harap kami ngayon, nandito kami sa pinakang labas ng yate kung saan makikita mo ang lahat habang nag babiyahe.

"Percy can we talk?" Ani klinton

Kahit nag aalinlangan tumango ako pero pinigilan ako ni dave ng tatayo na sana ako para makipag usap kay klinton

"You can talk here" sabay turo ni dave sa pwesto namin, alam kong hindi ko pa nalilinaw sakanya ang lahat nag kamali ako na nag bigay ako ng motibo  sakanya noon. At gusto ko din iyon ma klaro sakanya

Tumingin naman si klinton ng naka kunot ang noo kay dave ang akala ko mag babangayan nanaman sila, dahil kahit si nellie maging sila ate jayne,tony at elton ay naagaw na ang atensyon nila.

"No it's between i and percy" ani klinton habang tumayo na sa pag kakaupo at pumunta sa isang sulok na may lamesa at upuan din.

"Percy don't talk to him" hawak ni dave sa kamay ko

Nainis ako sa paraan ng pag bawal niya dahil wala namang kami ay binabakuran na niya ako, inis kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko

"Wag mo akong utusan dave hindi kita boyfriend" tumalikod ako sakanya at nag tungo na sa pwesto ni klinton, it's time percy. Kagabi ko pa ito pinag iisipan kung paano ulit kakausapin si klinton.

Ayokong nakikita silang nasasaktan ni nellie kaya hindi ako nakatulog ng maayos para lang mag isip kung paano ako hihingi ng tawad sa nasabi ko sa mismong birthday niya. Pero ito lagi akong suwerte sa tyempo. Kailangan kong mag sorry kay klinton dahil yun ang dapat na gawin ko, ang walang maging problema samin.

TRUTH ,LOVE AND LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon