CHAPTER 13

25 3 0
                                        

Pinauwi na ako ng nurse pagka tapos kong makapag pahinga aniya kailangan ko pa daw magpahinga para hindi na lumala.Nag message na din ako kay ate jayne na mauuna na akong umuwi baka kasi hintayin niya ako.

"Bakit ang aga mo naman ata?"

Bungad sakin ni mama ng makitang paakyat na ako ng hagdan.

"Nilalagnat ako ma"

"Sabi ko naman sayo wag ka na pumasok ayan tuloy lalo ka lang nilagnat"

Inalalayan ako ni mama ng nakalapit na siya sa akin medyo nawalan kasi ako ng balanse dahil sa hilong nararamdaman.

"Bakit hindi ka nag sabi sakin na uuwi ka edi sana sinundo na lang kita" sermon sakin ni mama hindi naman ako makasagot dahil iniisip ko na lang na gusto ko na lang mahiga at matulog. Nang nahalata ni mama na aakyat na ako inalalayan na lang niya ako para makapunta sa kwarto, sobrang sakit ng ulo at katawan ko.

"Matulog ka na muna diyan gagawa ako ng lugaw"

Nahiga na ako sa kama ng naramdaman ang sobrang pang hihina hindi naman ganito dati ang dumadapo saking lagnat, pero ngayon sobrang sakit ng katawan ko.

Hindi na lang sana ako nag babad sa pagligo sa dagat

Nakita kong nag umilaw ang cellphone ko kaya kahit masakit ang mata tiningnan ko kung sinoa ang tumatawag.

"Hello?"

Halos pabulong kong sagot dito, narinig kong nag buntong hininga muna siya bago mag salita

"Bakit hindi mo sinabi sakin na uuwi ka na? Naihatid na sana kita!" Nakaka gawian na niya ang pag sigaw kanina pa ah, napangiwi ako sa narinig ko paniguradong kay ate jayne niya kinuha ang numero ko. Umalis din kasi si dave sa climic at di na bumalik kaya umuwi na lang akong mag isa at di ko din naman inaasahan na mag pahatid sakanya

"Dave atsaka na tayo mag usap inaantok na kasi ako"

"Sige. Take care of yourself "

Mabilis din pala siyang kausap dahil pinatay na niya agad ang tawag. Naisip ko na kung ganito mag alaga at mag alala si dave sa akin hindi imposible na nag bago na siya. Sana nga nag bago na dahil magandang simula iyon para makapag usap sila ni nellie.

Kumatok muna si mama bago pumasok sa kwarto bago pumasok. Ibinigay niya sakin ang isang mangkok na lugaw wala mang panlasa ay pinilit kong ubusin iyon para makainom na ullit ng gamot ko.

"Alam mo naman na sakitin ka nagawa mo pang mag babad sa pagligo" kitang kita kay mama na nag aalala siya at nakita ko doon ang mata kanina ni dave na siyang nag aalala din kanina. Napangiti ako dahil sa naalala

"Mama di na po mauulit" untag ko ng matapos ng kumain.

”Dapat lang. Inumin mo na ang gamot mo ng makatulog ka na ulit" hinalikan ako ni mama sa noo bago umalis ng kwarto agad din naman akong umayos ng higa dahil gusto ko na matulog.

Alas dose na ng madaling araw ako nagising ng medyo maganda na ang pakiramdam ko bumaba ako para kumain,di ko alam na nandoon pa sila mama at papa sa sala na nag uusap.

"Oh ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong sakin ni papa ng makalapit na ako sakanila ni mama

"Medyo po"

"May nalutong sinigang , ako na mag hahanda ng pagkain mo"

Umalis si mama sa sala para pumunta ng kusina, ganyan sila sakin pag ako na ang nagka sakit dahil dati pa lang sakitin na ako kahit konting ulan lang at lamig ang dumapo sakin tatamaan na agad ako ng sakit.

TRUTH ,LOVE AND LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon