Kakaiba talaga itong batang to, kung ako sa edad niya noon ay wala pang kahit isang naging boyfriend yun nga lang nag magka nobyo ako ay hindi ko pa nasabing mahal ko talaga.
Halos mangatog na ang tuhod ko nang nasa harapan na kami ng kwarto ni klinton katulad kanina ay parang gusto ko na lang din umuwi, pero masiyadong mahigpit ang pagkaka hawak sa akin ni clarins kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sakanya.
Umakto nang bubuksan niya ang pinto na napahinga ako ng malalim bago tuluyang mabuksan. Nakita ko sila ate nellie at iba pa naming kaibigan na naka upo sa sofa na nandoon sa kwarto. Sabay na nilingon ang taong nakahiga sa kama, laking pasasalamat ko na tulog siya dahil hindi niya ako makikita.
Para akong tanga na parang kanina lang ay halos magkan darapa ako sa kaka madali para makita siya pero heto ako ngayon at nag dadalawang isip pa na lapitan siya.
Binitawan ako ni clarins para sana maka bati sa iba pa naming kaibigan nang biglang hinapit ako ni dave sa beywang para mapa lapit sa kanya.
"Sa tabi lang kita" Kinalibutan ako sa paraan ng pagkaka sabi niya dahil parang bigla siyang nagalit sa di ko malaman na dahilan.
"Dave kakilala natin lahat nang nandito ano bang nangyayari sayo?" Pabulong kong asik sakanya
"Just stay by my side" diin niyang utos na kina inis ko
"Kung may topak ka nanaman ay umuwi ka na lang" inalis ako ang kamay niyang naka hawak sa beywang ko at pumunta sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit pumayag ang hospital na marami ang pumasok sa kwarto ni klinton ngayon.
"Akala namin hindi ka dadalaw ngayon" ani elton matapos na makipag batian sakanila, umupo ako sa tabi niya at pinabayaan si dave na maupo sa kabilang sulok. Bahala siya diyan sumusobra na siya.
"At bakit naman hindi?"
"Kasi kasama mo si dave" ani elton na tumingin kay dave
"Anong kaso nun aber?"
"Hirap mong kausap ngayon percy" asik niya sa akin, umakbay siya sa akin at hindi na iba iyon dahil madalas naman niyang gawin iyon kahit ang pag sandal sa balikat ko ay napaka normal na lang sa amin.
Hindi ko sinasadyang mapatingin kung saan naka upo si clarins ng makita ko kung paano kalungkot ang mukha niya nang makita ang pwesto namin ni elton. Hindi kaya?
"May naging girlfriend ka na ba elton?" wala sa usapang tanong ko sakanya, hindi ko naman makita ang reaksyon ng kanyang mukha dahil naka sandal na iyon sa likod ko
"Crush meron" natatawang niya sagot kaya napatawa kaming dalawa ni ate jayne dahil katabi ko lang si ate ay hindi malabong narinig niya ang sinabi ni elton.
"Bata ka pa ba? Hinayupak ka" natatawang singit na tanong ni ate jayne dito
"Walang pinipiling edad ang pag- hanga jayne, wag sana kayo magka tuluyan ni toni" pang aasar naman nito kay ate na lalong ikinatawa ko, basta silang dalawa ang mag usap nawawala ang mga isipin ko at natutunghay sa kanila ang atensyon ko.
"Ang ingay niyo naman" hindi ko alam kung gaano kalaki ang mata ko ngayon dahil sa gulat na marinig ang boses ni klinton, halos lahat sila ay biglang napatayo at dali daling pumunta sa kama ni klinton.Maging si dave ay mabilis na naka punta , muntikan pang madapa dahil sa mabilis nitong paglalakad .
BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Genç KurguSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...