CHAPTER 24

14 2 0
                                        

"Percy"

Narinig ko si ate jayne na nang gigising sa akin kaya ibinukas ko ang isa kong mata para makita siya

"Ano?"


"Aber tara na sa baba, gutom na din ako"

Nakaramdam na din ako ng gutom, matagal din ata akong nakatulog dahil bihis na si ate jayne.

"Hindi na ulit tayi maliligo?" Tanong ko ng maka bangon na ako sa kama

"Nasa ilalim ng damit ko yung pang ligo ko kaya maliligo pa din tayo"

Hinintay na lang ako ni ate na mag ayos at mag palit ng damit, pinailalim ko din ang susuoting pang ligo sa dagat two piece ulit iyon pero nag dala na ako ng sarili kong balabal. Pareho kaming naka denim short ni ate ,ito lang din ang nakita kong suotin ngayon dahil ang iba ay pantulog na ang naka lagay sa drawer. Sagot ni ate nellie ang lahat ng damit namin kaya di na din ako makaka angal kung ano man ang nasa damitan.

"Gosh! I'm so hungry na" pagmamaktol niya habang nag lalakad kami papunta sa elevator.

"Ako din, nasan na ba sila mama at ate?"


"Sinong mama at ate?" Aniy ng naguguluhan

"Si ate nellie" tipid kong sagot ng biglang nag bukas na ang pinto ng elevator

"Nasa dalampasigan pa sila nung umalis ako baka umakyat na din para mag palit"

Tumango lang ako dahil katulad sakanya sobrang gutom na din ang nararamdaman ko ngayon, parang hindi ata ako makaka ligo ngayong gabi dahil paglabas pa lang namin ng hotel isang malakas na hampas ng hangin ang sumalubong sa aming dalawa.

"Na miss ako agad ako ng hangin, umakyat lang naman ako iba na ang hampas sa akin" hinampas ko si ate jayne sa braso ng mag biro nanaman , hindi talaga siya nawawalan ng pag bibiro kahit sa isang saglit hindi niya ako nabibigong mapatawa at iyon ang gusto ko kay ate jayne, kahit may problema ako kaya niya pa ding burahin ang sakit kahit sa isang saglit lang.

"Walanghiya ate jayne, tumigil ka diyan" natatawa kong awat sakanya


"Nasan na kaya si toni?" tumingin na din ako sa mga taong nasa dalampasigan para hanapin si toni pero iba ang nahagip ng aking mata, nakatingin nanaman siya ng masama sa akin at pinasadahan ang suot na maikling short.

"Sino ba talaga ang boyfriend mo? Si dave o klinton?" isang pang aasar nanaman ang natanggap ko kay ate ng makita niya ding halos lamunin na ako ni klinton sa mga titig niya


"Si dave" pinanindigan ko ang pakikipag palitan ng titig kay klinton ng siya na mismo ang bumitaw sa mga titig niya. Panalo ako.

"Nakita ko na si baby ko diyan ka na sa... Baby 2 mo" hindi ko na nahabol si ate jayne ng tumakbo na siya sa pwesto kung nasaan si toni. Kasama nila sila akhira at elton. Nakakapag takang kaninang umaga ko pa hindi nakikita si dave, hindi din siya nag message sa akin o tumawag manlang.

"Wag mong hanapin ang wala" hindi ko namalayan ang pag lapit sa akin ni klinton kaya hindi ko na lang pinahalata na nagulat ako."ayoko yang suot mo" nakita ko sa gilid ng mata ko ang pasadahan niya ulit ang katawan ko

"Hindi ko kailangan ng permiso mo" nag lakad ako papunta kila elton ng biglang hawakan ni klinton ang kamay ko dahilan para mapa tigil sa pag lalakad.

"Hindi pa tayo tapos mag usap tinatalikudan mo na ako" nang maka harap ako sakanya inirapan ko siya dahil ngayon alam na niya kung anong pakiramdam ng tunatalikuran agad habang nag uusap pa. "Ginagaya mo ba ako?" Pinanliitan niya ako ng mata habang hawak hawak pa din niya ang kamay ko.

TRUTH ,LOVE AND LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon