CHAPTER 27

19 1 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa din tuluyang nagigising si klinton,mabuti na lang dahil nasa bahay ako nila ate nellie may driver na pwedeng mag hatid sundo sa akin sa tuwing bumibisita ako kay klinton.

Lagi kong nakaka sama ngayon si dave hindi tulad ng mga nakaraan na araw na lagi siyang wala at madalas na hindi ko alam kung saan siya pumupunta. Pagka tapos ng klase ay dumedretso na agad siya dito sa bahay, isa sa ipinag tataka ko simula nang may mangyari kay klinton.

"Ma wala pa po ba si ate?" alam na ni ang tungkol sa amin ni dave, noong una nagulat siya at hindi maka paniwala pero nang ipinaliwanag ko sakanya ang lahat ay naintindihan din naman niya hindi lang maalis sa utak ko kung paano siya nagulat.

"Wala pa, ang sabi niya dadaan siya sa hospital para dalawin si klinton, ikaw ba ay pupunta din doon?" nasa kusina kami ngayon tinutulungan si mama na mag luto dahil dito kakain ng hapunan si dave.

"Hindi na po muna, wala naman po akong pasok bukas" sana pag punta ko gising na siya, dahil nahihirapan akong tingnan ang mukha niyang pumapayat na dahil sa ilang araw na hindi pa siya nagigising.

"Sige. Sasama ako sayo bukas para maka usap ko din ang tita joy mo"
Tumango ako kay mama bago umalis ng kusina, pinuntahan ko si dave sa sala nang makitang naka tulog na siya doon. Ngayon ko lang ulit natitigan ang mukha niya noong nakaraang araw nahahalata ko kung paanong biglang bumagsak ang katawan niya, nanganga-yayat sa di ko malaman na dahilan. Madalas ko na din siyang mahalata na tulala pag magkaka sama na kami ng mga kaibigan namin ay para bang malalim ang iniisip niya.

Hindi ko maiwasan ang maawa sa kanya ngayon dahil kahit ganito siya ay nagawa niya akong alagaan sa panahong nag aalala ako sa kalagayan ni klinton. Parang piniga ang puso ko nang lalong makita ang mukha niyang impis na, labis ang konsensiyang nararamdaman sa tuwing makikita ko siya ay naalala ko ang kasalanan na nagawa ko sakanya. Dahil sa kabila ng pag mamahal na binigay niya sa akin wala akong ginawa kundi ang nag sinungaling sa totoo kong nararamdaman.

Dahan dahan akong umupo sa tabi para hindi siya magising nang magulat akong hinila niya ako para yakapin, nagulat ako sa ginawa niya kahit tuluyan na akong naka kulong sa bisig niya. Kahit sino ay hindi magagawang mahulog sakanya lalo na sa taglay na kaguwapuhan niya, yun nga lang dahil kahit nasa kanya ako,kahit may nangyari sa amin hindi pa din maipag kakaila na may pag tingin pa din ako kay klinton.

Magka yakap na kami ngayon habang naka sandal siya sa sofa at ako naman ay naka sandal na sa dibdib niya, hinaplos niya ang ulo ko dahilan nang pag ngiti ko, masarap sa pakiramdam na nagagawa niya akong lambingin sa ganitong paraan.

"I love you" aniya, sabay sa lalong pag higpit ng yakap niya sa akin.

"I love you too." kahit ngayon lang ulit, ngayon lang ulit para kay dave.

"Hindi tayo bibisita ngayon kay klinton" tanong niya sa malambing na tono, natigilan ako atsaka lalong yumakap ng mahigpit sakanya.

"Bukas na lang, sunduin mo ako dito" naramdaman ko ang pag tango niya dahil sa sobrang magka dikit na kami dalawa, kahit papano hindi ko maiwasan ang makonsesiya pero kailangan ko ding panindigan ang pinasok kong relasyon, pina panalangin ko na lang sana maging maayos na ang kalagayan ni klinton, malaman ko lang na ayos na ang kondisyon niya masaya na ako.

"I want to sleep here" suhestiyon niya, tiningnan ko siya kung seryoso ba siya sa sinabi nang makita kong walang reaksyon ang mukha niya.

"Dave alam mo naman-"

"Please babe... Just for tonight, gusto ko lang mabantayan ka kahit ngayon lang" may saya akong naramdaman dahil sa mas inuuna niya na ngayon ang kapakanan ko.

TRUTH ,LOVE AND LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon