PERCY'S POV
"Do you want to go in paris?" ani Klinton.
"Hindi na, dito na lang tayo sa Infanta," nakangiti ko siyang nilingon habang naghuhugas ng plato.
"Are you sure?"
"Yep, Why? Do you want to go there?"
Niyakap niya ako mula sa likod ko "I just want to travel with you,"
"Atsaka na," halos makiliti ako ng halikan niya ang leeg ko.
"Nandoon sila Toni at Jayne."
"So?" bahagya akong lumingon sakanya kahit nasa likod ko siya.
Hinigpitan niya ang pagyakap sa akin "Gusto kita ma solo," naglalambing niyang tinig.
Nagpunas ako ng kamay dahil tapos na akong mag hugas ng plato, humarap ako sakanya at ipinatong ang dalawang kamay sa kanyang batok.
"Hindi mo pa ba ako na so-solo ngayon?" tiningnan niya ang mukha kong para bang ito ang una niyang nakita, ngumiti siya habang nakatingin na sa mga labi ko.
"No. I want to go in paris with you," naniningkit niyang matang sabi.
Hindi ko naman maintindihan kung anong gusto niyang iparating sa akin, kaya nginiwian ko na lang siya.
"Silly, You always don't get what i want to tell."
Inalis niya ang yakap niya sa akin at naglakad papunta sa sala, anong eksena nanaman yun?
"Eh kasi sabihin mo na lang, ang dami mo kasing kanto."
Habang naglalakad kong sabi dahil hindi na niya ako pinansin, sobrang maglambing ang isang to pero sobra din naman magtampo.
"Teka saan ka pupunta?!" nakita kong kinuha niya yung jacket na nakalagay sa sala, lumingon siya ng nakakunot - noo sa akin.
"Isasampay ko tong jacket ko nasaan hanger niyo?"
Napakamot ako sa batok ko dahil sa kahihiyan, nakita ko naman na hindi nga siya aalis dahil ipinagpag niya yung jacket.
"T-teka kukuha ako, diyan ka lang." dali-dali akong pumunta sa laudry space namin para kumuha ng hanger, at nang makakuha na ay nagmadali din agad akong balikan si Klinton sa sala.
Inabot ko sakanya yung hanger at kinuha naman niya agad iyon ng nakangisi.
"Ayaw mo na ba ako paalisin?"
"Ha? Bakit?" pa inosente kong tanong.
"Kasi ayoko naman talaga umalis."
Walang kurap akong napatingin sakanya, habang abala na siya sa pag unat ng jacket niyang naka hanger, na para bang ayaw niya na may maiwang lamat ng kusot doon.
Hindi ako nakakibo hanggang siya na lang ang lumapit sa akin para yakapin ulit ako, narinig ko ang pag tawa niya ng mahina.
"You're so cute love, don't worry, I won't leave you."
Hindi ako nakapag pigil kinurot ko siya sa tagiliran na naging dahilan ng kanyang pagbitaw sa akin at pumalahaw ng sigaw.
"Aray naman!" habang hinahaplos niya ang parteng nakurot ko.
"Dapat lang yan sayo, masyado kang mapagloko."
Iniwan ko siyang namamalipit sa sakit at pumunta sa sofa na parang walang nangyari, nagkunware akong walang naririnig sa pag inda niya ng sakit hanggang sa bigla na lang siya ulit sumigaw.
"Ar-aray! Love!" hawak-hawak niya ang kanyang dibdib, kinabahan ako dahil mukhang inaatake siya ng sakit niya, utomatiko akong tumayo at dinaluhan siya.

BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Teen FictionSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...