Doble ang laki nito kumpara sa bahay nila dave at nellie. Kulay puti ang buong labas ng bahay kaya maganda sa matang tingnan, may malaking garden din dito na pumukaw ng pansin sa akin. Habang nasa loob ako ng sasakyan natutuwa akong makita ang iba't ibang kulay ng bulaklak.
"Let's go naghihintay na si tita joy"
Unang bumaba si dave pagkatapos ay pinag buksan niya ako ng pinto.
"Dave" tawag sakanya ng isang babaeng may edad na din ng tuluyan kaming makapasok sa bahay nila klinton
"Tita how are you?" Lumapit na sa amin ang mommy ni klinton na nakipag beso naman kay dave
"Im fine. And i think you're percy?" Baling nito sa akin, hindi kasi kami nag kakilala sa birthday ni klinton kaya ngayon ang ka una unahang nakita niya ako
"Yes po. Good evening po" ngumiti si tita joy sa akin bago nakipag beso
"It's nice meeting you percy"
"My pleasure tita" humagikhik pa ito bago kami madatnan ni klinton sa sala.
"Nasa pool sila" alam kong sa amin niya sinabi ni dave yun pero nakatingin siya kay tita joy , nilampasan niya na kang ulit kami ng mapansin kong sa kitchen ang tungo niya. Ang cold niya
"Ah oo nga pala, nag pa party ako kasi mawawala ako ng ilang weeks here and i miss you kids." ani tita ng inalalayan kaming pumunta sa pool area
"Business?" Ani dave
"Yep. In new york"
Gusto ko man sumingit sa usapan nila pero nahihiya ako lalo na't di ako close kay tita, sasabihin ko sanang doon din ang punta ni papa.
"Have fun guys" ani tita ng tuluyan na kaming iniwan sa pool
"Percy!" Narinig ko agad ang boses ni ate jayne na nang galing sa isang gilid kung saan nandun ang mg kaibigan namin. Lumapit kami ni dave sakanila at nakipag batian naman si dave sa hindi ko kilalang mga bisita ni tita na halos kasing edad lang din nila.
"Dre how's life here? Kung hindi pa mag kakaroon ng party si tita dika namin makikita" ani ng isang lalaki na medyo matikas din ang katawan, umupo na ako sa tabi ni ate jayne at kung minamalas ka nga naman, nandito si akhira.
Inirapan niya lang ako ng nakita niyang hinawakan ni dave ang hita ko
"You didn't tell us you have a pretty girl here." ani nanaman ng isang lalaki
"Sasabihin ko pa lang, wag mo susubukan agawin si percy" pag babanta naman ni dave na ikinatawa ng lalaki
"Bakit ko naman aagawin kung nandiyan naman si akhira." sabay kindat kay akhira na halos kainin na sa sama ng tingin yung lalaki
"Can you please shut up your fucking mouth jay?!" Uminom si akhira ng hawak niyang bote ng alak, napangiwi pa ako ng halos maubos niya sa iisang tunggaan ang alak
"Not bad" ani klinton na naka rating na mula sa pag pasok, mukhang napa bilib siya sa ginawang pag inom ni akhira sa alak, ganyan ba mga tipo niya? Tch!
"Ikaw klinton kailan ka mag kakaroon ng girlfriend?" Ani jay
Naka palibot kami sa isang table kung saan nakalagay lahat ng alak na iniinom nila, katabi ko si dave sa kanan at si klinton na umupo naman sa kaliwang katabi kong upuan, tumingin pa siya sakin kung ok lang kaya tumango na lang ako
"Pag nakuha ko na siya" ani klinton
"Sino? May hindi ka ba sinasabi samin?" Ani akhira

BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Teen FictionSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...