CHAPTER 21

19 2 0
                                        

Nahatid ako ni elton ng maayos pinilit ko din siyang papa pasukin sa loob ng bahay pero tumanggi na din siya dahil nahihiya kila mama, hindi pa din kami ayos nila mama at ate kaya sumang ayon na lang ako sa gusto ni elton.

Aalis ni si papa sa maka lawa at hindi niya din alam na nalaman ko na ang katotohanan, kung sino dapat ang mag sabi ay walang iba kundi si mama lang.

Bukas na ang kaarawan ni nellie, kahit papaano tanggap ko na sila ni tita nellia ang tunay kong pamilya, naisip ko din na wala naman silang ginawang masama sakin kaya handa akong maka usap sila tungkol sa tunay naming koneksyon.

Nag hahanda ako ngayon sa kwarto ko ng pang regalo kay nellie, isang sister bracelet ang nabili ko online magandang mensahe ito sakanya na ipaalam ang tunay na kaguluhan ng bracelet na ito pag nakita na niya. Matagal no na itong nabili simula ng malaman kong magka sunod lang sila ng birthday month ni klinton.

May kumatok sa kwarto ko at hindi ko na kailangan pang hulaan kung sino iyon dahil madalasa akong sinusuyo ni mama dito at pinupuntahan dito sa kwarto sa tuwing nag kukulong lang ako, hindi ko na din sila pinapansin at kinakausap.

Nag papa salamat din naman ako dahil itinuring niya akong bilang isang tunay na anak pero ang mapag kaitan ng pag aaruga ng isang ina ay walang katumbas na sakit dahil hindi ko naranasan iyon simula ng kinuha ako ni papa sa tunay kong ina.

"Kumain ka na may inihanda na akong pagkain para sayo" nakatayo lang siya sa mismong pintuan kaya at patuloy lang akong nag babalot ng regalo ko, hindi ako umiimik dahil dun narinig ko na lang ulit na nag sarado ang pinto ng kwarto ko. Nasasaktan ako sa nagagawa ko kay mama pero sana naintindihan din nila na ako yung naagrabyado sa nagawa nila.

Nang matapos na ako sa pag babalot narinig kong tumunog ang cellphone ko dahilan para tumayo ako at kunin ang cellphone sa ibabaw ng study table ko. Nagulat akong hindi naka rehistro ang numero na nag message sa akin. Binuksan ko ang mensahe at agad binasa.

"Don't play with me because i can play better"

Naguguluhan man ay agad din akong Kinalibutan sa naisip na baka si akhira iyon, natatakot akong baka isiwalat niya ang nagawa ko kay klinton at dave. Pero paano niya din nakuha ang cellphone number ko?

Napa talon ako sa gulat ng bigla muling nag ring ang cellphone ko sinagot ko agad ito ng makitang si dave ang tumatawag.

"Dave?"


"How's my babe?" Malambing ngunit may matabang niyang tanong sa kabilang linya, nagawa kong mahalin si dave kahit sa maliit na paraan at kaya ko iyong panindigan hanggang sa huli. Kahit na si klinton ang iniisip sa tuwing mag kasama kami ni dave

"I-m doing fine.nakauwi ka na?" Hindi pa siya nakaka uwi galing manila at hindi ko din alam kung bakit natagalan pa siya doon ng ilang araw.

"Yeah kakauwi ko lang ngayon dito sa Infanta" narinig kong humikab soya sa kabilang linya na para bang pagod na pagod siya sa biyahe niya mula maynila.

"Anong ginawa mo doon?"


"Wala yun may inasikaso lang ako" napa nguso na lang ako sa hindi niya pag sagot ng maayos sa tanong ko, alam kong ako yung may nagawang kasalanan pero hindi ko din maiwasang isipin kung ano ba talaga ang ginawa ni dave sa maynila at tumagal siya ng ilang araw na nakuha na niyang makalimutan na nandito ako at ang pag aaral niya ay napabayaan niya na dahil sa pag punta niya doon.

"I'll talk to you later or tomorrow" binababaan niya agad ako ng linya ,naiinis ako sa paraan ng ginawa niya bakit ba bigla na lang siyang naging ganun ka lamig.

TRUTH ,LOVE AND LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon