Hindi ko na kailangan pang tingnan kung sino 'yon dahil palagi naman siya ang sumasalo sakin.
"Let's go inside the car," suhestiyon niya pero umiling ako"Percy malakas ang ulan at basang basa ka na magkaka sakit ka niyan."
"Edi mabuti para madagdagan pa yung sakit." Sarcastic tone kong sabi.
"Ano ba! Tumayo ka na diyan." ani Elton.
Tiningala ko siya at laking gulat ko ng wala siyang hawak na payong.
"Bakit nag papakabasa ka diyan?" pag susungit ko
"My girl need my help," aniya at hinubad ang leather jacket na suot at pinatong sa akin para di na ako masyadong mabasa pa.
"Teka paano ka? Papasok na ako ng sasakyan kunin mo na to," ibabalik ko na sana sakanya ng tabigin niya ang kamay ko na may hawak na jacket pabalik sa akin.
"No need, tara na ihahatid na kita sa inyo." Inalalayan niya ako papasok sa sasakyan, pinatay niya ang aircon dahil baka daw magka sakit ako.
Hindi ako nag salita sa biyahe at di namalayan ang pagtulog ng mahimbing, nagising na lang ako ng marinig na bumubusina si Elton.
"Nasan tayo?" naguguluhan kong tanong, dahil nasa harap kami ng isang malaking bahay.
"Sa bahay, dito ka na mag palipas ng gabi." tumango na lang ako dahil malayo layo pa ang bahay at sobrang lakas pa din ng ulan. Baka kung ano mangyari sa amin kung sakaling mag pumilit pa akong umuwi.
Nang maka pasok kami sa loob ng bahay ay labis akong namangha dahil sa lahat ng napuntahan kong bahay ng mga kaibigan namin ito ang sa kanila ang mas maganda. Kulay kream ang loob na nahaluaan ng ilaw na sobrang nakaka presko sa paningin
"Ihahatid ka ni manang sa guest room, Goodnight Percy." ani Elton at niyakap ako matapos ay ginulo ang buhok ko ay nagmadali na siyang umakyat sa hagdan. Tiningnan ko si manang na naka ngiti sa akin
"Nobya ka baga ni sir Klinton?" napakamot ako sa batok bago sumagot."Hindi po, magkaibigan lang po kami." tumangi tango ito.
"Sayang maganda ka ngayon lang yan nag dala ng babae dito."
Ngumiti na lang ako ng pilit dahil wala ako sa wisyo para makipag usap, mukhang nahalat naman 'yon ni manang kaya iginaya na lang niya ako papunta sa guest room.Agad akong naligo dahil basang basa ako, hindi pa man nakakapag suot ng damit ay narinig ko ang cellphone. Sinagot ko 'yon.
"Hello po mama." bungad ko
"Nak manganganak na ang kapatid mo," tila nag aalalang boses ni mama Nellia
"Po? Saan pong hospital at pupunta ako."
"Claro Recto Hospital, your daddy is here" narinig ko ang boses ni papa na hinahanap si Nellie. Hindi na ako nag tagal pa at dali-dali na ding nag bihis nang bilang bumukas ang pinto ng kwarto.
"Let's go" nagpati una na siya si Elton pababa ng sabihin 'yon, kaya sumunod na lang din ako.
Walang nagsalita sa amin habang nasa biyahe, dahil pareho kaming kinakabahan. Kahit may galit ako sa kaptid ko hindi mawawala sa akin ang pag aalala gayong dalawang buhay ang naka salalay.
Nakarating agad kami sa nasabing hospital at halos patakbo na kami papunta sa delivery room, nakita ko lahat ng kaibigan at pamilya ko na parang pinag bagsakan ng langit at lupa. Sa ngayon ay ipag papaliban ko ang galit. Para sa pamangkin ko.
"Bakit ganyan mga mukha niyo manganganak lang naman si Nellie" pinilit kong maging masigla upang mabawasan ang tensyon ng lahat pero tiningnan lang nila ako na parang walang narinig.
![](https://img.wattpad.com/cover/222792346-288-k716289.jpg)
BINABASA MO ANG
TRUTH ,LOVE AND LIES
Teen FictionSa probinsya ng Infanta kung saan mag sisimula ang buhay ni percy. Sa dami ng taong dumadating sa buhay niya na naging mga kaibigan niya may isang taong nagbigay sakanya ng pag mamahal ng higit pa sa inaakala niya, nagkamaigihan sila, naging masaya...