knock* knock* knock*"Miss Blythe??"
knock* knock* knock*
"Miss Blythe, gising na po!" Sabi nung kumakatok sa pinto.
Sure ako si mommy ang nagpapagising sakin. Ang aga pa ah? bakit ang aga nila mangising ngayon?
"Sino po yaaaaan?" Sigaw ko habang nagtatakip ng unan.
"Maid Venice po Miss Blythe. Pinapagising po kayo ni Madame Diana."
Sabi ko na nga ba. Hays.
"What's taking it so long Venice?" Narinig kong sabi ni mommy na nasa tapat na ng pinto ko ngayon. Uh oh.
Huli na ang lahat at nakapasok na si mommy sa kwarto ko. Naabutan nya ko na nakahiga pa din.
"BLYTHE!" sigaw ni mommy.
Agad akong tumayo.
"Hihi.... good morning mommy... " sabi ko sabay ngiti kay mommy.
Lumapit sakin si mommy at inayos buhok ko.
"Look at you! You look like a witch! Diba I told you to brush your hair before you sleep? Huh? Young Lady?" Yumuko lang ako at pinaupo ako ni mommy para masuklayan nya ako. Totoo naman talaga mukha akong bruha pag bagong gising. Siguro magulo kasi ata ako matulog.
After ako suklayan ni mommy tumayo na kaming dalawa.
"Come on. I made hot cakes for you. Let's have breakfast downstairs, your dad is waiting." Sabi ni mommy at sumabay na ako sakanya pababa.
Pagbaba ko, napansin ko na lahat ng maid namin naglilinis at nag aayos. Nagkakabit sila ng bagong kurtina, nag lalagay ng decor, linilinis bawat sulok.
Sumilip din ako sa labas at inaayos din nila yung garden. Pinaliguan din nila yung mga horses namin tyaka iba pang alaga.
Bakit nag gegeneral cleaning? Ano meron?
"Yaya Olie, Dumating na ba ang mga inorder kong plates from Germany?" Sabi ni Mommy dun sa isa naming yaya.
Huh? Bakit nag order si mommy ng plates from Germany.
Ano ba nangyayari?
"Mommy, what's happening? Bakit nag aayos ang lahat? May bisita bang dadating?" Tanong ko kay mommy.
Napalingon sya sakin at parang nagulat sya sa tanong ko.
"Oh my goodness anak. How could you forget? Ngayon ang uwi ng mga kuya mo galing sa Europe diba? "
O.M.G.
NGAYON ANG DATING NILA KUYA!!!
Nagulat ako sa sinabi ni mommy. Ay oo nga pala. Lininis na nga pala at rinedecorate namin yung kwarto nina Kuya the past few days.
Kaya ko siguro nakalimutan kasi nabusy ako kakalaro kahapon. Si Lucas kasi nag yaya eh. Hays.
Pagdating namin sa Dining Area grineet ako ni daddy.
"Goodmorning Princess." Sabi ni daddy. Princess tawag nya sakin pero di naman ako mukhang Princess. Haha!
"Goodmorning Daddy. " kiniss ko si Daddy sa cheeks.
"Yuck! Anong Princess? Eh kilos lalaki nga yan eh!" Pang aasar sakin ni Lucas.
"Whatever." Tinarayan ko lang sya at umupo na ako.
Mmm! Ang sarap talaga ng luto ni mommy. Mapapadami nanaman kain ko nito ah.
"After you eat, get ready na ha. Your brothers will arrive soon." Sabi samin ni Mommy.

YOU ARE READING
The Only Girl
Подростковая литератураWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.