CHAPTER 11: First?

170 12 0
                                        

LUCAS POINT OF VIEW.

Nakatitig lang ako dun sa slip. Nakakainis naman tong si Blythe ako pa nautusan hays.

Linapitan ko yung babaeng tinuro niya kanina. Baguhan siya and classmate ko siya pero di ko pa siya nakakausap.

"Calei Cua?" Tanong ko at napatingin naman siya saakin.

"Bakit po?" Tanong niya din.

"Uhm.. I'm the VP of the Sports Club. Lucas Sanford, unfortunately, wala yung president, si Blythe, kaya ako nalang mag aassist sayo." Sabi ko sakanya.

"Yeah kilala kita. Kapatid mo ba si Blythe? Magkamukha kasi kayo." Tanong niya saakin.

Yup kakambal ko siya, pero habang tumatagal parang di ko naman nakikita na magkamukha kami ni Blythe.

"Uhm yes. Tara na?" Aya ko.

Naglakad na kami papunta sa Library. Ang tahimik niya.

Pinutol ko na yung nakakabinging katahimikan.

"Hmmm, saan ka nag aaral dati?" Tanong ko sakanya.

"Harvard."

Wow? Matalino pala siya?

"Ahh... ganun ba.." bakit di siya nagsasalita masyado? Nahihiya ba siya saakin? Siguro alam niya kasi na sobrang sikat ko kaya nahihiya siya. Haha!

Nasa library na kami ngayon at kumuha ako ng request form. Nakaupo lang siya habang nag aantay.

Napatingin ako sakanya, maganda naman pala siya eh. Dapat ganito ang itsura ng mga babae, innocente tignan at parang anghel. Yung mabait tyaka parang nakakagaan ng mood.

Di tulad nung mga fans ko na tili ng tili tyaka nagkakandarapa, ang pangit tignan sa babae na habol ng habol tyaka kung ano ano ginagawa para lang mapansin.

Iba naman kapatid ko, yun isa pa yun. Parang hindi babae eh. Kung maglakad parang siga, mga damit puro maluluwag akala mo damit ng lalaki. Mas lalaki pa nga siya sa ibang lalaki. Tapos yung aura niya pag makikita mo siya, parang siyang si kamatayan.

Ganyan na ganyan pag kakakwento sakin ng mga lalaki kong kaklase. Oo, parang siga tyaka lalaki si Blythe pero iba din kasi tingin ko sakanya kesa sa tingin ng iba sakanya, para sakin kahit sobrang tapang niya, nagiging mahina siya lalo na sa mga taong mahal niya.

"Here you go." Binigay na sakin nung librarian yung request form.

"Para saan yan?" Tanong saakin ni Calei.

"Ibibigay toh sa Club Head, para manghingi ng form. " sagot ko.

"Asan yung Club Head?" Tanong niya ulit.

"Nasa kabilang building. Tara?" Naglakad na ulit kami papunta sa kabilang building. Pagbaba ko sa lobby andami nanaman babaeng nag titilian tyaka nakatingin saakin. Hays, ang hirap maging cute.

Kawawa nga lang tong babaeng kasama ko baka mapagusapan siya ng mga chismosang babae.

Nung nakalayo layo na kami dun sa zoo na yun, nagsalita siya.

"Heartthrob ka pala dito?" Tanong niya saakin.

"Syempre haha!" Sabi ko naman. Di ako mayabang, self-confidence tawag dyan.

"Ahhh... di halata eh. Di ka naman masyado gwapo."

Nagulat ako sa sinabi niya.

AKO? HINDI GWAPO?

Ano ba definition ng gwapo para sakanya? Ang gwapo gwapo ko kaya!

Bakit ganun? Okay lang naman sakin na asarin ako ng di gwapo ng mga kaibigan ko, pero bakit nairita ako nung ibang tao nagsabi?

The Only GirlWhere stories live. Discover now