CHAPTER 9: Club Day

207 11 0
                                    

Nagpalit na muna ako ng school uniform at umalis na ako.

Naglalakad ako ngayon papunta sa tambayan namin ni Lucas. Nabasa ko message ni Lucas na dun daw sila mag L-lunch. Kailangan ko makausap si Ethan.

Habang papalapit ako nakita ko na nag hahabulan si Ethan tyaka si Kent, maayos naman pala paa ni Kent eh arte arte pa.

"Oh Blythe? Tulog si Lucas." Sabi saakin ni Ethan. Natutulog nga si Lucas.

Hinila ko lang siya papalayo dun.

Andito kami sa medyo malayo sa tambayan para di nila ako marinig.

"Bakit? Ano meron?" Tanong sakin ni Ethan.

"Ano sinabi mo kay Georgina?" Tanong ko.

Nagulat siya nung sinabi ko yun.

"A-ah kasi Blythe ganito yun eh." Napakamot siya sa batok niya.

"Inutusan ako ng adviser namin na ipatawag si Ms. Nina kasi may kailangan ibigay, kaya sakto nakita ko ginawa nila sayo... nagalit ako sakanila." Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit siya nagalit?

"Bakit ka nagalit? eh di nga tayo close?" Sabi ko naman.

"Kung para sayo, I'm nothing. Well para sakin, kaibigan kita."

Nagulat ako sa sinabi ni Ethan.

"Hindi sa may gusto ako sayo ah! Pero dati ko pa kasi gusto kaibiganin ka kaso natatakot ako. Kaya naisip ko na mag aact nalang ako na parang kaibigan mo, kaya pinagtanggol kita sakanila, kasi ganun pag magkaibigan diba?" Natouch ako sa sinabi niya. di ko alam na ganun pala turing niya saakin dati pa. Nagugulity tuloy ako.

"Thank you." Sabi ko sakanya.

"Simula ngayon, kaibigan na kita." Nag wink ako sakanya.

"TALAGA!?!? YAAAAAY!!!" Hinug niya ako.

"Simula ngayon ha! Bestfriends na tayo!" Sabi niya saakin.

Napaisip ako dun, bestfriends? Agad agad?

"Ummm...." di ko alam sasabihin ko.

"Pleaaaaaaaase?" Parang bata naman toh.

"Sige na nga!" Talon ulit siya ng talon. Hay nako. Haha!

Bumalik na kami sa tambayan at paulit ulit si Ethan ng sabi kina Lucas na magkaibigan na kami.

Hanggang sa pagbalik namin sa building kinukulit niya ako.

Masaya naman din pala na magkaroon ng ibang kaibigan maliban sa kapatid mo eh noh?

Nasa classroom na ulit ako, si Kent naman tahimik ulit na nasa tabi ko. Hmp! Magkaaway pa kaya kami.

~.~

Yay! Dismissals na!

Andun na pala yung driver namin sa lobby kaya hinila ko na agad si Lucas papunta sa car para makasakay na agad kami at antok na ako.

Pagpasok ko, pumikit agad ako.

Umandar na yung kotse bigla. Huh? Wala pa sina kuya ah?

"Manong Manuel, san po tayo pupunta?" Tanong ko.

"Ah nagpapasundo po kasi sila Sir Gabe dun sa building nila." Sabi ni Manong Manuel. Pumikit nalang ako ulit.

Nakatulog na din ako.

Maya maya nagising ako, nasa kotse parin kami pero wala si Lucas. Nasa harap kami ng builiding nina kuya ngayon. Madilim na. Chineck ko phone ko at nakita ko malapit na mag 7.

The Only GirlWhere stories live. Discover now