Kabang kaba na naglalakad ako ngayon papunta sa Guidance Office. Dati pa naman akong pinapatawag sa Guidance Office pero kabang kaba ako ngayon kasi di ko alam kung ano ginawa ko.
Pag tinatawag naman kasi ako dati para pumunta sa Guidance Office, ineexpect ko na at alam ko na kung ano ginawa ko eh.
May nasumbong kaya saakin? Halaa! May parent ba?? Mag kaka bad moral na ako? Noooo! Ayoko matanggal sa teaaaam! Huhu!
Di pa nga nakakalipas yung 2 minutes ng History Class napatawag ako agad sa Guidance, sabi ko pa naman makikinig na ako ng mabuti eh.
Pumasok na ako sa loob, nakaabang si ate Jessica at si..... Sir Caius?
Uh-oh. Ano ginawa ko? Bakit andito si sir? Waaaaa!
"Ms. Sanford, you're here."
Lumingon saakin si sir Caius at pinaupo ako.
"Yes po sir?" Tanong ko.
"I want you to tutor my student."
Nanlaki mata ako nung sinabi yun ni sir. Huwat???
"Bakit po sir?" Tanong ko.
"You see, ikaw ang pinaka matalino sa class ko, and I'm willing to give you extra credits since alanganin na din ang pag vavaledictorian mo because of your detention records." Sabi ni sir Caius.
"Umm, sino pong student sir?" Tanong ko.
"You'll meet him tomorrow. Goodluck!" Umalis na agad si sir. Teka. 'Him' ? So lalaki?
Nakangiti lang saakin si ate Jessica.
"What?" Tanong ko.
"Nothing. Go back to class." Nakangiti parin siya saakin. Weird.
Bumalik na ako sa classroom. Naglelesson si sir kaya nakinig na ako.
Uwian na and dumiretso ako agad sa lobby, gusto ko na umuwi.
Di ko na inantay si Lucas, ang tagal nun lumabas eh.
Naisip ko, sino kaya itututor ko? Tanggihan ko nalang kaya? Aish! Kaso kasi, alanganin na pag vavaledictorian ko eh, ayoko naman i-disappoint si mommy and daddy.
May kumalabit saakin bigla.
"Blythe!"
Napalingon ako.
"Kendall?" Ano kailangan niya?
"Yung food example, ano dadalhin mo?" Tanong niya saakin. Ah oo nga pala, nakalimutan ko.
"Ano ba sayo? Kung ano nalang matira yun nalang akin." Sabi ko sakanya.
"Ah sige, ito may listahan ako, yung mga naka cross-out yun yung mga akin. Sayo nalang yung iba." Ngumiti siya saakin.
"Ah sige, thanks." Kinuha ko yung listahan.
"Ingat! Bye!" Ngumiti ulit siya saakin bago siya makaalis. Ang normal lang nag pagkakausap niya saakin ah? Di tulad nung ibang studyante pag kinakausap ako, nauutal o kaya nanginginig.
Mukha naman siyang mabait.
Dumating na si Lucas sa wakas.
"Bakit antagal mo ha?" Tanong ko.
"Nagpacanteen lang ako." Ngumiti siya saakin. Weirdo.
Dumating na yung sundo. Sumakay na kami ni Lucas. Tapos nagdrive na si Manong Manuel papunta sa building nina kuya.
Pagdating namin dun, kakalabas lang ni kuya Gabe tyaka kuya Nathan pero andaming babae na nakapalibot at nagtitilian. Sa kabilang building pa si kuya Kale kasi college na siya.

YOU ARE READING
The Only Girl
Teen FictionWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.