CHAPTER 2: Closeness

369 18 0
                                        

"Your brothers..."

Nakinig ako ng mabuti sa sasabihin ni daddy.

"Dun na sila mag aaral sa school nyo."

HUH?!?!

"But unfortunately, your kuya Arthur and kuya Noah will not be able to study there. They will go to Harvard." Sabi ni daddy.

Di parin ako makapaniwala na magiging schoolmate ko si kuya Gabe, kuya Kale tyaka si kuya Nathan.

"How about Kale?" Tanong ni kuya Gabe.

"Kale decided to graduate in the same school with his younger siblings." Sabi ni daddy.

"Aww that's so sweet of you Kale." Sabi ni mommy. Ngumiti lang si kuya Kale.

"So Gabe, Nathan and Kale will finish their studies in Sanford, even the two of you Lucas and Blythe. You started school there so I guess you should finish your studies there too. " sabi ni daddy.

After dinner, dumiretso na ako sa kwarto ko. Nanood muna ako ng Netflix kasi di pa ako inaantok. Maya maya may biglang pumasok sa loob ng kwarto ko. Napatayo ako agad.

"Chillax sis, ako lang toh. OA mo masyado." Pinalo ko sya ng unan. Kainis tong si Lucas.

"Biglaan ka kasi di ka man lang kumatok." Umupo ulit ako sa kama ko tapos plinay yung pinapanood kong movie.

"Anong movie yan?" Tanong ni Lucas tapos tumabi sya sakin.

"Mean Girls." Sabi ko.

Bigla nya inagaw yung remote sakin tapos pinause nya yung pinapanood ko.

"HOY!" Sigaw ko.

Ngumiti lang sya sakin. Grrr.

"Alam mo wag ka nanonood ng ganyan kasi mean ka na nga mas sasama ka pa. Tyaka isa pa di ka girl kaya wag ka mangarap." Nag wink sya sakin. Nakakagigil tong lalaking toh.

"Ano ba kailangan mo? Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya.

"Wala lang." Sabi nya tapos bigla sya humiga tapos nagtakip ng kumot. Parang bata.

"Sus! Ano nga?" Pinalo ko ulit sya ng unan.

"Aray ah!" Pagrereklamo nya tapos umupo na ulit sya.

"So ano nga?" Tanong ko.

"Hmmm, Blythe..." seryoso nyang sabi.

"Bakit?" kinakabahan ako ha.

"Pag naging close ulit kayo ng mga kuya natin dapat wag mo ko io-op ha?" Naawa ako bigla kay Lucas.

"Awww! Syempre! " hinug ko sya.

"Arte mo!" Asar ko sakanya tapos tinulak ko sya pahulog sa bed. Baka mag iyakan pa kami eh.

"Pwede dito ako matulog ngayong gabi lang?" Sabi ni Lucas.

"k." Tipid kong sagot tapos tinuloy ko nang panoorin yung movie.

~.~

Nakatulog pala ako habang nanonood. Pagbukas ko ng mata ko wala na si Lucas. Tinignan ko yung orasan 6 palang. Ang aga pa.

Lumipat ba sya kagabi?

Tumayo na ako kasi di ako makatulog ulit. Nag toothbrush muna ako tapos hilamos saka ako pumunta sa kwarto ni Lucas.

Pagtingin ko wala sya dun. Aga nya magising ah? Samantalang nag puyat kami kagabi.

Bumaba na ako at sinilip baka nasa living room sya. Pero walang tao dun kaya pumunta ako sa dining area baka nag bbreakfast sila.

The Only GirlWhere stories live. Discover now