Chapter 39: Spirit Week (part 2)

79 3 0
                                    

ETHAN'S POINT OF VIEW.

[Now Playing: A lot like love by Baek A Yeon]

Cheerdance Competition mamayang 9 at may mga quiz na pinapagawa. Pero di ako pumasok, nag ditch ako ng class. Di ako nakapagaral para sa quiz eh.

Mag isa lang ako ngayon dito sa rooftop ng building namin, loko mga kaibigan ko walang suporta. Ayaw ako samahan.

Umupo ako sa may bench at pinatong ko yung paa ko sa picnic table.

"Haay! What a lovely day." Ang ganda naman ng umaga ko, except sa di ako sinamahahn nung mga kaibigan ko hmp.

"Ethan?"

Napaface palm ako nung narealize ko kung kaninong boses yun. Paglapit nya saakin, ngumiti siya.

"Inaantay mo ba ako dito?" Napa kunot noo ko sa sinabi ni Kendall. What? Is she out of her mind?

"Nag ditch ka din ng class?" Tanong ko.

"Nope. Natapos ko na yung quiz." Umupo siya sa tabi ko.

"Hoy! Sino may sabi sayong pwede ka tumabi sakin?!"

"I'm your Fianceè. One day pag mag asawa na tayo, magtatabi pa tayo matulog." Ang lapad ng ngiti nya. Tf?

"Asa ka! Sa sofa nalang ako matutulog."

Bigla siyang tumawa ng mahina. Ano nakakatawa?

"So agree kang magiging mag asawa tayo?"

The hell? Ang kulit nito ah. Kelan nya ba ako tatantanan?

"Pumayag lang naman ako sa marriage natin dahil kay dad, not because of you."

Pagkasabi ko nun bigla nalang naging blanko yung expression ng mukha nya. Biglang nag bago mood niya at iniwas nya mukha nya.

"I know." Kalmado nyang sabi.

"Alam mo naman pala eh. Kaya tantanan mo na ako. I don't like you."

Bigla siyang tumayo.

"Matagal ko ng alam yan. Wag mo ipamukha sakin ng paulit ulit."

Umalis na siya at nag walk out. Dapat lang noh.

Nalungkot kaya siya sa sinabi ko? Sana tantanan nya na ako. Hays. Kailangan ko pa ba maging masama para tumigil na siya?

Nasira tuloy yung pag rerelax ko kasi dumating si kulit. tss.

Malapit naman na mag 9 kaya bumaba na ako at sinundo mga kaibigan ko.

Nakaabang na silang tatlo sa tambayan namin sa canteen.

Lumapit ako sakanila.

"Nag ditch ka nanaman?" Tanong saakin ni Kent.

"Oo bakit. Bawal?" Angal ko.

"Oo, bawal. Bakit?" Maangas na sabi ni Kent.

"Nawala na angas mo oy! Tablado ka nga palagi kay Kenzo eh. Haha!" Asar ko sakanya. Bigla naman sumeryoso itsura nya.

"Ano ba laban ko dun? Eh si Kamatayan yun eh, ako anghel." Sabi ni Kent. Umupo ako sa tabi ni Lucas.

"Wag ka feeling. Si Kamatayan ka din kaya nung 1st year." Asar ni Lucas.

"Whatever." Napikon na si Kent. Haha!

"Ano ba yan ang weak mo naman. Pati kay Lucas tablado ka?" Asar din ni Zandro. Kawawa naman si Kent napagtulungan.

"Masyado kasi akong mabait. Teka lang ha? Bakit nyo ko pinagtutulungan?" Natawa kaming tatlo sa sinabi ni Kent.

Nagtuloy lang mag kwentuhan si Zandro at Lucas. Maya maya may napansin ako.

The Only GirlWhere stories live. Discover now