Chineck ko kung ano sinend niya saakin.
From: Kent
MAGHANDA KA NA. LAGOT KA SAKIN BUKAS.
Aba I was born ready. Ako pa tinakot niya ha? Lagot din siya sakin bukas. Ipapatikim ko sakanya ang World War III.
~.~
Nakasakay na kami ngayon sa kotse papunta sa school. Handa na ako sa kung ano man gawin sakin nung Kent na yun.
Pagbaba namin ng lobby as usual tilian nanaman yung mga babae. Parang celebrity tuloy mga kuya ko.
Dahan dahan lang akong naglakad papunta sa building. Ayoko pa pumasok.
"Pilay ka ba ha? Bakit antagal mo maglakad?" Tanong ni Lucas.
"Ayoko pa pumasok eh." Sabi ko sakanya.
"Sussss! Ang sabihin mo, takot ka kay Kent." Tinignan ko lang si Lucas ng masama.
"Asa ka pa! Bakit naman ako matatakot sa mute na yu----" pagliko namin nagulat ako kasi nakabangga ko si Kent.
Amp! Kung minamalas ka nga naman oh.
Nakatingin lang siya sakin ng masama kaya tinignan ko din siya ng masama. Di ako magpapatalo noh!
"Uy bro, saan ka pupunta? Malapit na mag time ah?" Tanong ni Lucas.
"May nakalimutan lang ako sa car." Sabi naman ni Kent.
"Oh sige. Bye!" Sabi ni Lucas.
Bago pa makaalis si Kent bumulong ako.
"Ulyanin kasi..."
Nagulat ako kasi lumingon siya saakin tapos tinignan lang ako ng masama.
Hala? bakit parang galit na galit siya saakin? Ano ba problema nya?
Mali pala, ano problema ko? Bakit parang natatakot ak---- HINDI! BAKIT AKO MATATAKOT? Hanggang tingin lang naman ata siya eh. Ano kaya gagawin niya saakin?
Di niya naman ako pwede ibully kasi ikkick out na agad siya sa school, syempre bakit niya naman ipapahamak sarili niya diba?
Ano naman gagawin niya?
Nasa classroom na ako at loko si Lucas pagdating namin sa third floor tumakbo na agad siya papunta sa classroom niya.
Pumasok na ako sa classroom at umupo sa upuan ko. Asan si Kent?
Gumagawa na ba siya ng mga trap? May kinalat na ba siya sa social media? Siniraan niya na ba ako sa mga teachers and sinumbong sa principal? May hinahanda kaya siya na prank?
Ano ba yan! Masyado ako nag ooverthink ng kung ano ano.
Nakahinga naman ako ng maluwag nung dumating siya, akala ko kung ano ano na ginawa niya eh.
Umupo na siya sa tabi ko.
As usual di lang siya nagsasalita. Dumating na yung subject teacher namin.
English subject na.
"Goodmorning, for today we will have a recitation. Please get ready and raise your hand when you have an answer. Pabilisan toh ha." Nakinig lang kami ng mabuti.
"This is a True or False Trivia Quiz, so pay attention." Sabi ni Ms. Varagoza.
"Okay first question..True or False."
Nakinig ako ng mabuti.
"Cost is one of the "4c's" in diamond grading."
Nagtaas agad ako ng kamay.
YOU ARE READING
The Only Girl
Teen FictionWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.